Naging maugong ang balitang nagpropose na daw diumano si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo noong magbakasyon ang magkasintahan sa Palawan nitong katatapos lamang na Holy week. Pero agad namang itinanggi ni Matteo ang isyu, "Wala pa naman, hindi pa talaga," napatawang paglilinaw ng actor.
Pero idinagdag ni Matteo na nag-enjoy sila ni Sarah sa bakasyon nila at isa raw iyon sa hindi niya makakalimutang pagsasama nila.
"We went to my cousin's farm in Palawan," pagkekwento ng actor.
Ikinwento rin niya na bago sila magbakasyon sa Palawan ay magaksama rin sila ni Sarah sa kanyang 28th birthday. Napakasaya raw niya sa okasyon na iyon, "Pasalamat nalang sa Star Creatives for releasing me early kasi may taping kami nung araw na yun, but they released me early to catch up my birthday celebration."
Inamin din niyang kahit happy sila sa kanilang relasyon ay may mga dumarating pa ring pagsubok sa kanila, "For now, kumbaga, it's not always up's, there's a lot of down's also. But you know, things were working out, things are good," nakangiting sambit ni Matteo.
No comments:
Post a Comment