Source of True Trending Pinoy News

Monday, July 20, 2020

Jason Francisco, Pinasilip ang Kanyang Masayang Buhay Probinsya

Marahil sa panahon ng pandemya katulang ng COVID-19, mas mainam nga ang buhay na nasa probinsya. Ito ang naging pahayag ng actor na si Jason Francisco sa kanyang video sa kanilang YouTube channel na Melason.

Si Jason ay naging katambal ng housemate na si Melai o Melisa Cantiveros sa Pinoy Big Brother Double Up Edition.

Sila ay sinubaybayan at kinagiliwan dahil sa mga patawang palabas at mga eksena na talagang nagpapakita ng kanilang pagiging natural.

Ngayon ay may dalawang anak na babae sila Melai at Jason.

Sa pinaka latest na video na naupload sa Melason channel, si Jason ay umuwi sa kanilang probinsya at binisita ang kanilang bahay.  Sa simula ng video ay kanya nang ipanagmalaki na siya ay galling sa probinsya at masaya sya at proud dahil doon.

Wika pa ng aktor, masarap mamuhay sa probinsya dahil hindi ka makakaranas ng gutom basta’t masipag ka lang at madiskarte.

Sa kanilang bahay ay may malaking puno ng avocado at sa video at giliw na giliw ang actor sa pangunguha ng mga bunga nito. Ipinakilala nya rin ang kanilang mga kasambahay na tumulong sa kanya na manguha ng mga bunga.

May malalaking bunga ang puno ng avocado at napuno ni Jason ang isang basket na dala dala habang nangunguha.

Inanyayahan nya si Aling Nora, isa sa kanilang mga kasambahay at taga-luto na tulungan siyang gumawa ng avocado shake. Kinain ni Jason ang ilang nakuhang hinog na avocado at masayang masaya itong ibinahagi sa kanyang video.

“Thankful ako kasi may sarili kaming mga halaman, at tanim dahil sa panahon ngayon mga tanim mo sa iyong bakuran ang pwede mong makain na sure ka na safe at tipid pa.”wika ni Jason.

“Kayong mga nasa probinsya pasalamat kayo.”sabi pa ng actor.

“Mapapansin nyo wala ang aking family, kaya eto dadalhin ko to sa kanila at mga after three days ay hinog na ito (Avocado).”

Naalala parin ng actor ang kanyang pamilya na hindi nakasama sa kanyang pagbabalik sa probinsya.

The post Jason Francisco, Pinasilip ang Kanyang Masayang Buhay Probinsya appeared first on READit.


Source: ReadIt

No comments:

Post a Comment