Source of True Trending Pinoy News

Showing posts with label Trending Phililippines News. Show all posts
Showing posts with label Trending Phililippines News. Show all posts

Sunday, October 18, 2020

Ang kalusugan ay kayaman hindi lamang ito isang kasabihan ngunit isang katotohanan. Kapag malusog ka ay nagagawa at nagagampanan mo ng maayos ang iyong mga gawain at mas nakakapag-isip ka ng mabuti kapag wala kang iniindang sakit.

lifeisaloha | ig

Minsan ang pagiging malusog ay binabase natin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Kapag ang isang tao ay payat, iniisip natin na ito ay kulang sa timbang at walang sapat na nutrisyon na natatanggap ang kanyang katawan.

lifeisaloha | ig

Samantala, kapag mataba naman ang isang tao ay hindi rin maituturing na malusog sa lahat ng oras. Mas maganda pa rin sa paningin ang taong may katamtamang laki at timbang at maituturing nating malusog.

lifeisaloha | ig

Isang malaking transformation ang gumulat sa mundo dahil sa pagbabagong anyo ng isang Fil-Am actor na si Jacob Batalon na gumaganap bilang Ned Leeds sa Marvel Cinematic Universe Films Spider-Man: Homecoming (2017).

Namangha at bumilib ang mga tao dahil sa kanyang ibinahaging body-transformation sa kanyang IG account kamakailan lang.

lifeisaloha | ig

Suot ang kanyang corduroy jacket, nagselfie ito at inapload ang litaro “Imma be vibin all day.” Ang naturang larawan ay kanyang celebratory post sa kanyang 24th birthday.

Taliwas sa napakalaking katawan at napakabigat na timbang nya noon, ay masasabing aabot sa kalahati ang naibawas sa kanyang kalakihan. Wala na ang kanyang matabang pisngi at malaking tiyan.

lifeisaloha | ig

Hinangaan ng mga netizens ang pagbabagong ito na nakamit ni Jacob dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na napakahirap ang pagbabawas ng timbang at magkaroon ng magandang hubog ng katawan.

Samantala, si Jacob ang gumaganap sa karakter na matalik na kaibigan ni Peter Parker o Spiderman. Ito ay bagong Spider-Man na pelikula sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe o MCU.

lifeisaloha | ig

Ayon sa ilang mga ulat ay magkakaroon ng “third installment” ang naturang pelikula at gaganapi sa Atlanta, Georgia, US.

Samantala, sa kabila ng kanyang katabaan noon, hindi ito naging hadlang kay Jacob upang maipamalas ang galing sa pag-arte at marami na rin itong proyektong natapos kagaya ng Avenger: Infinity War, Avenger: Endgame, at Spider-Man: Far from Home.

The post Pinoy na Nagbida sa Spider Man na si Jacob Batalon, Ginulat ang mundo sa kanyang body transformation appeared first on READit.


Source: ReadIt

Sa makabagong panahon ngayon, malaki ang naitulong ng Internet sa buhay ng mga tao sa buong mundo. Kahit na magkalayo ang magpamilya ay parang magkalapit lang dahil maari ng mag video calling. Ang mga trabaho sa opisina o sa paaralan ay maari nang gawin sa loob lamang ng bahay.

Maraming nagagawa ang makabagong teknolohiya at makabagong mga pamamaraan upang malaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid. Kung dati ay radyo, newspaper, at TV lang ang makukuhanan natin ng mga balita, ngayon ay makakakuha na tayo ng mga  updates kahit saan man tayo naroroon basta’t mayroon lamang cellphone at Internet.

Isa na rin sa mga magagandang naidudulot ng Internet ay ang biglaang kasikatan ng mga ordinaryong tao sa pamamagitan ng mga video, o post sa social media na nagiging “viral”, “trending”, o sa madaling salita ay pinag-uusapan at sumisikat.

Marahil ay kilala mo rin si Mimiyuuh o si Jeremy Sancebuche dahil sa kanyang viral video ng Dalagang Pilipina video challenge. Ito ang naging daan upang magkaroon sya ng mahigit isang million na subscribers sa kanyang YouTube channel.

Nanalo sya sa E! Pop Gala 2019 bilang Trending of the Year Award, naging endorser ng maraming brands kasama na ang Pepsi, Lazada, at ng Off-White.

Samantala, sa kanyang latest vlog na “69 questions with Mimiyuuh” na hinango sa 73 questions ng isang sikat na American fashion at beauty magazine, ay dire-direcho na sinasagot nito ang mga katanungan sa kanya. Kasabay din sa kanyang pagsasagot sa mga katanungan ay ang paglilibot nito sa kanilang bahay na umano ay katuparan ng kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.

Mapapansin sa video na may kalaikhan ang bahay na kanyang nabili, mayroong swimming pool sa labas, at mayroon din itong sasakyan.

“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ako makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na nakabili na po ako ng bahay for my family”, wika nito.

Sa isang katanungan din kay Mimiyuuh, sinabi nito na isa sa pinakakinatatakutan nya ay mawala ang kanyang mga magulang. Patunay lamang ito na mahal na mahal nya sila.

Samantala, patuloy parin ito sa pagawa ng mga vlogs na talaga namang nakakaaliw.

The post Mimiyuuh, ipinasilip ang napundar nitong bahay para sa kanyang pamilya, bunga ng kanyang pagsusumikap at pagiging isang vlogger appeared first on READit.


Source: ReadIt

Isa marahil sa mga maituturing na tagumpay ng isang magulang lalo na ng isang ina ang mapalaki ng wasto at malusog ang mga anak. Kapag malusog at hindi sakitin ang mga anak ay naiiwasan din ang stunted growth, pati na rin ang stress na naidudulot nito sa isang ina.

krisaquino | ig

Subalit agaw pansin ngayon ang biglang paglaki at katangkaran ni James Yap Jr. o mas kilala bilang si Bimby na anak ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malaki ang unang anak ni Kris na si Josh. Subalit ang dating maliit na batang si Bimby ay bigla na lamang tumangkad at lumaki ng todo.

krisaquino | ig

Ikinagulat ng marami ang pagbahagi ni Kris ng larawan sa kanyang IG kasama ang kanyang anak na si Bimby.

Sa kanyang IG post na may caption na hello? i’ve missed you… (i didn’t shrink- my bunso just keeps growing taller.)”. Maraming celebrities ang nagulat sa tangkad ngayon ng bunsong anak nito.

krisaquino | ig

Dahil na rin sa pagkagulat ng ilang mga kapwa artista ay naitanong nila sa IG post ni Kris kung sino na ang mas matangkad sa kanila ni Bimby at Josh.

Wika ng aktres ay mas matangkad pa rin naman ang kanyang panganay na anak na si Josh na may taas na 6 feet 2 inches. Mas matangkad umano ito kay Bimby ng 1.5 feet. Nagunit sa murang edad ni Bimby na 13 years old ay napakatangkad na nito kumpara sa ibang mga bata na kasing edad lamang nito.

krisaquino | ig

Samantala, hindi naman umano malaking tanong kung bakit matangkad at malaki si Bimby dahil sa DNA mismo ng matangkad nyang ama na isang PBA player na si James Yap.

Samantala, sa isa namang post ni Kris kung saan napapagitnaan sya ng kanyang mga anak, nagmistula itong pandak dahil hanggang balikat lang ang tangkad nito sa kanyang mga anak.

Masaya at proud mommy nga itong si Kris sa kanyang mga anak dahil hindi man ito naging masaya at successful sa kanyang mga lovelife ay masaya naman ito na nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki na tinuturing nyang “towers of love”, ayon na rin sa kanyang IG post.

The post Netizens Nagulat sa mga Anak ni Kris Aquino na si Joshua at Bimby Dahil sa Biglang Pagtangkad ng mga ito appeared first on READit.


Source: ReadIt

Marahil kakaunti lamang ang nakakakilala kay Mara Hautea Schnittka, dahil sikat sya bilang si Julia Montes. Isa sya sa mga pinakasikat at pinakamagandang aktres ngayon. Nagsimula sya bilang child actress sa Goin Bulilit.

montesjulia08 | ig

Dahil sa pagiging isang Filipino-German, angat ang kagandahan nito. Mas lalo syang nakilala dahil sa kanyang pag-ganap bilang isang kontrabidang si Clara del Valle sa remake ng Mara Clara (2010–11), at nasundan pa ng kanyang debut film sa isang family-oriented drama na Way Back Home noong 2011.

montesjulia08 | ig

Samantala, dahil sa pandemya ay pansamantala ring natigil ang mga proyekto nito. Ngunit isang napakagandang beauty transformation ang kanyang ibinahagi kamakailan lang sa kanyang IG post.

montesjulia08 | ig

Sabi nito sa kanyang caption “I have everything I need to be happy”. Mukha ngang masaya at stress-free ang aktres sa larawang ipinakita nito. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang bagong hairstyle at hair color na blonde.

Marami sa kapwa nya artista ang nagbigay ng magagandang papuri sa new look ni Julia. Wika ni Neri Miranda, “Ang ganda gandaaaa mo!” at nagkomento din si Agot Isidro na “Ang ganda ganda mo beh”.

montesjulia08 | ig

Sa isa namang post nito, nilagyan nya ng caption na “Don’t let the behavior of others destroy your inner peace.”

Lalong lumutang ang banyagang ganda nito sa kanyang new hair style at color at nagustuhan ito ng mga followers niya.

montesjulia08 | ig

Samantala, sa kabila ng pansamantalang pagpapahinga sa showbiz ay ginamit ni Julia ang oras sa pag-aaral. Ito ay nag-enrol sa isang online class.

montesjulia08 | ig

“Here’s to a new journey FROM HOME! I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school. This is how I turn a crisis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time. Indeed, education is a lifelong venture”, pahayag nito sa kanyang post.

The post Julia Montes, umani ng magagandang komento at pinusuan ng maraming netizens and kanyang Bagong Looks, Alamin ang Dahilan! appeared first on READit.


Source: ReadIt

Maliban sa husay sa pagho-host, pag-arte, at pagiging modelo, nakilala ang husay ni Paolo Ballesteros sa pag iimpersonate ng ilang mga celebrities at mga kilalang personalidad sa pamamagitan ng kanyang make up transformation.

pochoy_29 | ig

Hindi mo talaga akalain na ang isang lalaking katulad nya ay magaling mag make up. Ngunit hindi nga naman imposible dahil apo sya ng kilalang national artist na si Fernando Amorsolo, na isang napakahusay na pintor.

pochoy_29 | ig

Isa ngang natural na artist itong si Paulo at ngayon ay agaw eksena at nagbibigay aliw ang mga palamuti sa labas ng kanyang bahay sa Antipolo. Napakaganda at napaka-unique.

pochoy_29 | ig

Sa kanyang latest IG post, ibinahagi nito ang latest look ng kanyang bahay at binigyan ng caption na “Pasko na sa Antipolo!” Nagmistulang isang malaking regalo ang bahay nito dahil sa giant red ribbon na inilagay nito sa bandang itaas ng kanyang bahay. Napapalibutan din ito ng ibat-ibang Christmas decor at lights. Paskong-pasko na nga sa bahay ni Paulo.

Napakaganda nitong tingnan sa gabi at nakakapagbigay ng good vibes, ika nga ng iba. Maraming kasamahan nito sa showbiz ang nagandahan din sa kanyang ginawa. Bumagay din ang kanyang palamuti sa disensyo ng kanyang bahay at napapanahon din dahil ber month na nga.

pochoy_29 | ig

Kahit sa simpleng pamamaraan ay nakakapagbigay ito ng kasiyahan sa mga taong dumaraan sa kanyang bahay. Marami ngang hindi magandang mga pangyayari ngayong taon subalit hindi ito balakid upang hindi natin maipagdiwang ang pasko.

pochoy_29 | ig

May pandemya man ngayon ngunit huwag natin paring kaligtaan ang maging masaya at magpasalamat sa lahat ng biyaya at pag-iingat sa atin ng Maykapal sa buong taon. Tuloy parin ang buhay at pakikibaka sa mundo.

Maalalang naipatayo ni Paulo ang kanyang bahay modern-designed house noong taong 2017.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Si Paulo ay isa sa mga mayroong pinakamaraming followers ngayon sa IG na umabot na sa mahigit 2.4 million.

The post Agaw pansin ang isang Giant Red Ribbon na palamuti sa bahay ng actor-comedian at Eat Bulaga host na si Paulo Ballesteros appeared first on READit.


Source: ReadIt

Saturday, October 17, 2020

Naaalala nyo pa ba ang batang magaling kumanta na si Lyca Jane Epe Gairanod? Dahil sa kanyang angking galing sa pag-awit ay sya ang tinanghal na The Voice Kids Season 1 Big Winner.

Maalalang madalas nyang kantahin ang mga awitin ng bandang Aegis. Kinanta din nito ang awiting “Narito Ako” sa grand finale na nagbigay sa kanya ng daan na masungkit ang tropeyo at manalo.

Pagkalipas nga ng kanyang pagkapanalo ay nagkaroon ito ng contract sa ilalim ng MCA Music Inc. Dahil sa papremyo na kanyang napanalunan, natulungan nya ang kanyang pamilya lalo na ang magkaroon ng maayos ay desenteng tirahan.

Noong nakaraan ay nagbahagi si Laica ng kanyang house tour vlog sa kanilang lumang tirahan sa Tanza Cavite. Naging emosyunal ito dahil naging malaking bahagi na ng kanilang buhay ang kanilang bahay na malapit lamang sa dagat.

Samantala, sa latest vlog naman nito ang kanya ng ipinakita ang kanilang bagong tirahan na ipinagawa ni Lyca malapit lamang sa una nilang tirahan na kanyang kinalakihan.

Makikita sa vlog na simple lamang ang bahay. Sa pagpasok ay naroon na ang kanilang shoe rack, at kusina sa katabi nito.

Ipinakita din nito ang kanilang munting dining area kung saan sila nagsasalu-salo. Wika pa ni Lyca ay sa sahig nalang daw ang iba kumakain kapag hindi na sila magkasya doon kapag nagtitipon-tipon silang buong pamilya.

Mayroon din silang entertainment area kung saan naroon ang isang malaking flat screen TV na paborito nilang tambayan na magkakapatid upang pampalipas ng oras at mag bonding.

Ipinagawa din nya ang kanilang kawarto kung saan magkakasama silang mga babaeng magkakapatid. Mayroon na din itong aircon upang hindi na umano ito pawisan at mainitan dahil sa napuna ito sa kanyang mga nakaraang video na madalas syang pinapawisan sa kanyang mga vlogs.

Mapapansin na marami na din ang mga gamit at damit ng batang singer dahil mayroon na din itong mga sponsors. Mahilig din daw ito sa mga pabango.

Sa kabila naman ng kanyang tagumpay at kasikatan, hindi parin nagbabago itong si Lyca at simple pa rin ito at walang masyadong kaartehan.

The post Lyca Gairanod, Ipinasilip ang Kanilang Bagong Bahay na Kalapit Lamang sa Kinalakihan Nitong Unang Bahay Noong Panahon na Walang wala pa Siya appeared first on READit.


Source: ReadIt

Si Carla Angeline Reyes Abellana o mas kilala bilang si Carla Abellana ay isa sa mga magagaling at magagandang artista ng GMA Network. Sya rin ang gumanap sa lead role ng pinoy version ng Rosalinda noong 2009 na nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz.

Dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte ay marami pang mga proyekto ang ipinagkatiwala sa kanya simula noong 2009 hanggang sa kasalukuyan. Ilan lamang sa mga latest na mga palabas nito ay ang Mulawin Versus Ravena, at I Heart Davao noong 2017, Pamilya Rocess noong 2018, at Love of My Life nitong 2020.

Bukod sa pag-aartista, isa ring modelo si Carla. Dahil na rin sa kanyang galing bago paman ito naging artista ay bahagi na sya ng Rockwell Land Corporation kung saan isa sya sa kasapi ng Human Resources Department.

Pinangarap nya na magkaroon din mismo ng sariling condo sa Rockwell kaya naman nagsumikap ito at nakabili din ng sariling unit.

“I bought this unit or this property during preselling noong bago pa lang ako sa showbiz. Bili ko sya pre-selling so hindi pa as expensive so it’s been about 6 years already or more or less. I bought if I’m not mistaken, 2013 or 2014”, wika nito sa kanyang vlog.

Makaraan nga ang ilang taong paninirahan sa kanyang condo unit sa The Grove by Rockwell sa Pasig, ay minabuti na nitong ibenta na ang unit dahil umano para makatulong sa kanyang planong pagpapatayo ng kanyang dream house, o biro nito ay dream house nila ni Tom Rodriguez.

Sa kanyang condo unit tour, ipinasilip ni Carla ang iba’t-ibang bahagi ng kanyang unit upang makita din ito ng mga nagnanais na bumili ng condo unit sa Rockwell.

Wika pa ni Carla sa kanyang vlog, “I’m so happy na worth it ‘yong investment. Definitely, worth it,” pahayag pa ni Carla. “Nag-grow na ‘yong price, ‘yong value, through the years and I believe I’m ready to let go, guys. I’m ready to let go of this condo unit.

Samantala, bukod pa sa kanyang pagbebenta ng kanyang condo unit, abala rin ito sa kanyang online business na The Clean Freak PH, kung saan nag bebenta ito ng mga sterilization equipment at tools.

The post Carla Abellana Condo Tour, Ipinakita Niya ang Kanyang Condo Unit na Ibenebenta na Para Makapagpatayo ng Kanyang Dream House appeared first on READit.


Source: ReadIt

Kilala mo ba si Deither Ocampo, o Diet? Marahil kung kilala mo sya at naaalala ay masasabi mong isa sya sa mga pinakamagandang lalake sa showbiz dito sa bansa.

Isa sya sa myembro ng grupong “The Hunks”na kinabibilangan nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Bernard Palanca, at Carlos Agassi.

photo credit to diether.awb | ig

Si Deither ay may lahing German, Spanish, at Chinese. Sya ay ipinanganak noong July 19, 1974 sa Aniban, Bacoor, Cavite, kung saan doon din sya nag-aral. Nakapag-aral din sya sa De La Salle University sa Dasmarinas.

photo credit to diether.awb | ig

Bago pa pinasok ng aktor ang showbiz at naging isa syang dancer at myembro ng isang banda na Blow kung saan ay kilala sya bilang si Capt. Mongrel.

Marami na rin ang mga naging proyekto nito sa telebisyon at mga pelikula simula 1993 hanggang sa kasalukuyan. Ilan sa mga latest na palabas nito ay ang Bagani kung saan sya ang gumaganap bilang si Apo.

photo credit to diether.awb | ig

Samantala, bukod sa pag-aartista kapansin-pansin ang pagbabahagi nito ng mga larawan sa kanyang mga social media accounts. Makikita na madalas itong mag-upload ng mga litrato na may kasamang mga kabayo.

photo credit to diether.awb | ig

Marami ang nagtatanong kung ano na ang buhay nito ngayon dahil hindi na rin ito aktibo sa showbiz. Marami ang nagtatanong kung ito ba ay nagamay-ari na ng maraming mga kabayo sa North Polo Club, Pulilan, Bulacan.

Ayon sa ilang report, sumali umano ang aktor sa the Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at ngayon ay isa nang Lieutenant Commander (LCDR) ng PCGA. Ayon din sa mga report, nagtapos ito ng kanyang seafarer’s training noong nakaraang taon na ginanap sa Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training.

photo credit to diether.awb | ig

Samantala, sa kanyang post sa IG, nagkomento ang isang netizen na abala umano ang aktor sa pagpapakain ng kanyang mga kabayo at hands-on umano ito sa pag-aalaga.

Ibinahagi din ng aktor ang isang video na may caption na “Buhay Pulilan Bulacan” kung saan kasama nya ang mga lalaki na nag-aalaga din ng mga kabayo.

photo credit to diether.awb | ig

Maalalang noong aktibo pa si Deither sa showbiz ay nabanggit nito na pangarap nya na mag-alaga ng maraming hayop at ngayon ay masasabing maaring natupad n anito ang kanyang pangarap. Isa na kaya itong haciendero?

Kapansin-pansin naman na wala parin itong ipinapakilala at ipinapakita na karelasyon pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating asawang si Kristine Hermosa.

The post Naalala pa ba Ninyo ang Dating Hunk na si Deither Ocampo, Isa na Siyang Matagumpay na Haciendero Ngayon appeared first on READit.


Source: ReadIt

Thursday, October 8, 2020

Minsan akala natin glamuroso, matiwasay, at masaya ang buhay ng mga celebrity lalo na ng mga sikat na artista. Ngunit taliwas ito sa kanilang tunay na buhay. Kadalasan ay walang pribadong buhay ang mga sikat na artista at hindi nila masyadong naeenjoy ang kanilang buhay at hindi nila nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng ibang mga tao.

Kagaya na lamang ng pagbabahagi ni Luis Manzano ng kanyang naranasan noong bata pa lamang sya na ayon sa kanya ay hindi sya nabigyan ng “normal” na buhay ng kanyang inang si Vilma Santos.

Sa vlog ni Jessy Mendiola na “Heart-to-heart Talk with Howhows”, naitanong ni Jessy sa kasintahang si Luis kung sino ang isang babae maliban sa kanya ang nais nitong maka-dinner date. Ang sagot ni Luis ay ang kanyang inang si Vilma, dahil umano ay hindi sila nabigyan ng maraming pagkakataon na magkaroon ng quality time dahil sa kasikatan ng kanyang ina.

“From my heart, mommy ko. Seryoso.  Kasi ‘yun yung ibang bagay na hindi namin nagawa ng ermat ko-have something na parang quality time. Kasi alam ng lahat na ‘yung mommy ko is a superstar. So marami kaming hindi nagawa na bagay,” pahayag ni Luis.

Sinubukan naman daw ni Vilma na bigyan ng “normal” na buhay si Luis noong bata pa ito, subalit napakahirap talaga ng kanilang sitwasyon ay hindi sila maaring makita ng publiko.

“Yung isang beses nga nag-grocery kami ni mommy. Ito yung attempt ni Mommy na bigyan ako ng isang normal life. Nung bata ako, dinala nya ako sa grocery. Siguro mga six ako nito or seven years old para ma-experience na yung mommy kasama ‘yung anak ‘di ba grocery?” pagkukwento ni Luis.

“Pagtapak pa lang namin-siguro mga tatlong hakbang pa lang- parang mall show. Hindi na kami naka-forward. Pagpasok pa lang ng grocery, nakilala na nila Mommy ko. Tapos derecho dinala ako ni Mommy sa kotse tapos uwi na kami. So basically, wala kami nagawa.” dagdag pa ni Luis.

Nakakalungkot mang isipin ngunit yun ang kanilang naging buhay. Kaya hiling umano nito na magkaroon ng quiet night o date kasama ang kanyang ina.

The post Luis Manzano, inaming hindi nagkaroon ng “normal na buhay” dahil sa pagiging super star ng kanyang inang si Vilma Santos appeared first on READit.


Source: ReadIt