Sa makabagong panahon ngayon, malaki ang naitulong ng Internet sa buhay ng mga tao sa buong mundo. Kahit na magkalayo ang magpamilya ay parang magkalapit lang dahil maari ng mag video calling. Ang mga trabaho sa opisina o sa paaralan ay maari nang gawin sa loob lamang ng bahay.
Maraming nagagawa ang makabagong teknolohiya at makabagong mga pamamaraan upang malaman natin ang mga pangyayari sa ating paligid. Kung dati ay radyo, newspaper, at TV lang ang makukuhanan natin ng mga balita, ngayon ay makakakuha na tayo ng mga updates kahit saan man tayo naroroon basta’t mayroon lamang cellphone at Internet.
Isa na rin sa mga magagandang naidudulot ng Internet ay ang biglaang kasikatan ng mga ordinaryong tao sa pamamagitan ng mga video, o post sa social media na nagiging “viral”, “trending”, o sa madaling salita ay pinag-uusapan at sumisikat.
Marahil ay kilala mo rin si Mimiyuuh o si Jeremy Sancebuche dahil sa kanyang viral video ng Dalagang Pilipina video challenge. Ito ang naging daan upang magkaroon sya ng mahigit isang million na subscribers sa kanyang YouTube channel.
Nanalo sya sa E! Pop Gala 2019 bilang Trending of the Year Award, naging endorser ng maraming brands kasama na ang Pepsi, Lazada, at ng Off-White.
Samantala, sa kanyang latest vlog na “69 questions with Mimiyuuh” na hinango sa 73 questions ng isang sikat na American fashion at beauty magazine, ay dire-direcho na sinasagot nito ang mga katanungan sa kanya. Kasabay din sa kanyang pagsasagot sa mga katanungan ay ang paglilibot nito sa kanilang bahay na umano ay katuparan ng kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Mapapansin sa video na may kalaikhan ang bahay na kanyang nabili, mayroong swimming pool sa labas, at mayroon din itong sasakyan.
“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ako makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na nakabili na po ako ng bahay for my family”, wika nito.
Sa isang katanungan din kay Mimiyuuh, sinabi nito na isa sa pinakakinatatakutan nya ay mawala ang kanyang mga magulang. Patunay lamang ito na mahal na mahal nya sila.
Samantala, patuloy parin ito sa pagawa ng mga vlogs na talaga namang nakakaaliw.
The post Mimiyuuh, ipinasilip ang napundar nitong bahay para sa kanyang pamilya, bunga ng kanyang pagsusumikap at pagiging isang vlogger appeared first on READit.
Source: ReadIt
No comments:
Post a Comment