Source of True Trending Pinoy News

Thursday, July 16, 2020

Lolit Solis, May Pahayag Para Kay Agot Isidro Matapos Punahin Si Jinkee Pacquio

Showbiz columnist na si Lolit Solis nagbigay ng mainit na pahayag laban sa actress na si Agot Isidro matapos punahin ng huli si Jinkee Pacquiao sa pagpapakita nito ng dalawang mamahaling bisikleta sa kaniyang Instagram sa gitna ng pand3mya sa bansa.

Sa Instagram post ng showbiz writer, sinabi niya na naniniwala siya na dapat matutunan ni Agot na pakalmahin ang kaniyang sarili at iwasan makieelam sa buhay ng mga artista.

Ayon kay Lolit, maraming mga tao ang humahanga kay Jinkee dahil hindi nito sinagot ang pagpuna ni Agot sa halip ay sinagot lamang siya nito ng mga bible verses.

Aniya,

“Sa mga mata ng followers ay talagang hinangaan nila ang pagiging ladylike ni Jinkee Pacquiao na hindi sumagot at sa halip mga bible verses ang posted answer.”

Kinwestiyon din ni Lolit kung bakit tila nais ni Agot na masangkot sa bawat isyu at sinusubukan na iwasto ang ibang artista na may iba’t ibang paniniwala.

Ani Lolit,

“Si Agot naman kasi na lahat ng issue pinapatulan at para bang isang aktibista na nakabantay sa mga kapwa artista niya na hindi niya katulad ang paniwala. Sobra narin politized ang mga opinyon kung minsan ni Agot na dapat siguro medyo magdahan dahan din at alamin muna ang issue.”

Dagdag niya,

“Regalo lang naman , gusto magpasalamat ni Jinkee, so post niya sa IG, so no problem sana, eh pinatulan ni Agot, hayan na.”

Kung ating maalala, tinawag ni Agot si Jinkee na “Nouveau” sa kaniyang tweet noong July 9. Sinabi pa ng actress na dapat maging sensitibo naman si Jinkee sa pagpapakita ng kaniyang magarang buhay, lalo pa at mayroong krisis na kinaharap ang bansa.

Saad ni Isidro,

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.”

Dagdag niya,

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?”

Sa post naman ni Jinkee, nilinaw niya na hindi sila ang bumili ng dalawang mamahaling bisikleta bagkus ay regalo lamang sa kanila ito.

Samantala, sinagot naman ni Agot ang mga netizens na nagaakusa sa kaniya na siya ay naiinggit lamang sa yaman at kasikatan ng mga Pacquiao.

Ani ng actress,

“Sinabi ko naman na wala akong pakialam kung saan ginastos ang kaprehan. I’m sure marami na rin ang natulungan. Ang sa akin lang, kailangan ba namin makita yan, sa gitna ng paghihirap na dinaranas ng nakararami?”

 

View this post on Instagram

 

Isa pang kaloka iyon issue ng bisekleta nila Champ Manny Pacquiao /Jinkee at Agot Isidro. Bongga na regalo lang pala iyon mga bisekleta na signature Hermes at LV na ikinagalit ni Agot kay Jinkee. At sa mga mata ng followers ay talagang hinangaan nila ang pagiging ladylike ni Jinkee Pacquiao na hindi sumagot at sa halip mga bible verses ang posted answer. Si Agot naman kasi na lahat ng issue pinapatulan at para bang isang aktibista na nakabantay sa mga kapwa artista niya na hindi niya katulad ang paniwala. Sobra narin politized ang mga opinyon kung minsan ni Agot na dapat siguro medyo magdahan dahan din at alamin muna ang issue. Regalo lang naman , gusto magpasalamat ni Jinkee, so post niya sa IG, so no problem sana, eh pinatulan ni Agot, hayan na. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

The post Lolit Solis, May Pahayag Para Kay Agot Isidro Matapos Punahin Si Jinkee Pacquio appeared first on news.


Source: abo3antar

No comments:

Post a Comment