Source of True Trending Pinoy News

Thursday, July 16, 2020

Pres. Rodrigo Duterte, Hinimok Ang Kaniyang Anak Na Si Mayor Inday Sara Na Huwag Ng Tumakbo Sa Pagka-Presidente

Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang anak na si Davao City mayor Inday Sara Duterte na huwag ng tumakbo para sa pinakamataas na position sa bansa dahil hindi siya makakakuha ng anumang bagay mula sa pagiging Presidente ng bansa.

Sa nagdaang talumpati ni Pangulong Duterte sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu noong Martes, sinabi nito na mayroon pang ibang trabaho sa bansa na mas malaki ang kita kumpara sa pagiging Presidente.

Ani Duterte sa kaniyang talumpati,

“Sabi ko sa anak ko, kay Inday, ‘Day, p***** i** ‘wag mong pasukin ‘yang trabaho na ‘yan’. Puwera gaba lang, huwag naman sana masamain ninyo. Sabi ko, magtrabaho ka diyan? Wala kang makuha unless gusto mong mamera, ah kaya. Pero kung sabihin mo magtrabaho ka lang presidente? Susmaryosep.”

Dagdag niya,

“Suweldo mo 194,000. Ang ibang generals dito mas malaki pa sa suweldo ko, totoo lang. Sinabi ko kay Inday ‘wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan. Pero if just a matter of ambition, lay off. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang.”

Ngunit, sinabi niya na hindi niya mapipigilan si Inday kung sakali man na magdesisyon itong tumakbo sa pagka-Presidente kung mas mangingibabaw sa kaniya ang pagbibigay serbisyo sa bansa at sa mga tao nang walang hinihinging anumang kapalit.

Saad ng Pangulo,

“Unless you are driven by patriotism. O ‘yan, kung gusto mo talaga mag-service sa bayan mo. Kaya sabi ko sa kanya in English they say, ‘if you cannot stand the heat in the kitchen, get out’.”

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing and binigay na payo ni Duterte kay Inday Sara.

Ani Roque,

“There’s no gain to becoming a President unless you’re corrupt. It’s all public service, that’s what he’s saying.”

Dagdag ni Roque, ayaw lamang ni Duterte na maranasan ng kaniyang anak ang hirap bilang isang chief executive dahil madami ng responsibilidad ang nakapatong sa kaniyang balikat at kailangan niyang mas unahin ang bansa kaysa sa kaniyang sarili.

“Malinaw naman po ang palaging sinasabi ni Presidente kay Mayor Sara. Talagang it’s a thankless job. It’s all sacrifice, walang return, and ayaw niya na ganyan yung buhay ng kaniyang anak.”

Samantala, wala pa namang binibigay na kahit anong pahayag si Inday Sara tungkol sa payo ng kaniyang ama.

The post Pres. Rodrigo Duterte, Hinimok Ang Kaniyang Anak Na Si Mayor Inday Sara Na Huwag Ng Tumakbo Sa Pagka-Presidente appeared first on news.


Source: abo3antar

No comments:

Post a Comment