Isa na namang kwentong tagumpay ang nagpaantig sa puso ng mga netizens. Ibinahagi ni Jhay Suarez Tuyor sa Facebook ang kaniyang naipatayong dream house mula sa walong taong kinita niya bilang isang waiter.
Inamin ni Jhay na kinailangan niyang malampasan ang napakaraming hirap upang matupad ang kaniyang pangarap. Nagbunga naman ang kaniyang sipag at tiyaga dahil nagkaroon na siya ng bahay na matatawag na kanya.
Sa walong taon niyang paninilbihan sa isang restaurant, naka-ipon siya ng sapat na pera upang makapagpatayo ng malaki at eleganteng bahay.
“Nga po pala, sa pagiging waiter ko po ng mahigit walong taon (2004-2012) napatayo ko po yung pangarap kong bahay. Yung may malaking garahe at napakalaking kitchen. Unti-unti po yan, bawat sentimo po ng sweldo ko diyan,” ani niya sa post.
Kinutya at minaliit din umano si Jhay nang dahil sa kaniyang trabaho.
“Waiter ka lang pala? Oh mag praktis kana mag bugaw ng langaw dito sa hapag kainan,” pag-alala niya.
Subalit hindi naging hadlang ang opinyon ng ibang tao upang magpursige siya na makamit ang mga hangarin. Sa halip ay ginawa niya pa itong motibasyon para lalo pang kumayod nang mapatunayan sa iba na kayang-kaya niya.
Nagbigay payo din si Jhay sa mga kabataan na huwag susuko sa kabila ng mga hamon na darating sa buhay.
“Wag kang mapapagod kaibigan, nasa kabilang buhay ang pahinga. Habang bata pa tayo ay kayod lang nang kayod. Huwag din magpapatukso sa kung anong mayroon yung mga tropa mo.”
Dagdag pa niya, ang hirap na dinadanas ngayon ay ginhawang makakamit bukas. “Kaysa panay ka pasarap ngayon, ano ending? Walang humpay na kayod.”
Determinado din si Jhay na tuparin ang iba pa niyang mga pangarap ngayon na isa-isa na niyang nakikita ang pagtutupad ng mga ito.
Ang kwento ni Jhay ay patunay na maaaring matupad ang anumang pangarap kung magsisikap tayong abutin ang mga ito.
The post Nagtrabaho Bilang Waiter ng Walong Taon, Nakapagpatayo na ng Sariling Mansyon appeared first on READit.
Source: ReadIt
No comments:
Post a Comment