Source of True Trending Pinoy News

Wednesday, September 9, 2020

Broadcaster na si ‘Ka Tunying’ Anthony Taberna Ibinahagi ang Kaalaman sa Wastong Paghahalaman at Pagtatanim ng mga Gulay

Ilang buwan narin ang nakalipas simula noong nagkaroon ng pandemya na naging dahilan ng pagkakaroon ng lockdown at quarantine sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Marahil ay bagot na bagot na ang iba dahil hindi magawa ang mga bagay na nakasanayang gawin lalo na sa labas ng bahay.

Ngunit isang malaking kapupulutan ng aral ang pagbahagi si Anthony Taberna o mas kilala bilang si Ka Tunying ng kanyang mga kaalaman sa wastong paghahalaman, lalo na ng pagtatanim ng mga gulay na mapapakinabangan sa panahon ng quarantine.

Ayong kay Tunying, bata palang daw sya ay libangan na nya ang pagtatanim at dala nya ito hanggang ngayon. Ayon pa sa broadcaster, ginugol nya ang oras sa pagiging produktibo sa pagtatanim simula pa noong nagkaroon ng quarantine.

Samu’t saring mga gulay ang kanyang itinanim kagaya ng talong, malunggay, papaya, at mayroon ding oregano.

Sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na Tune In kay Tunying, sa kanyang episode na Green Minded: T ni Tunying! ibinahagi ni Tunying ang wastong paghahanda ng lupa at punla sa pagtatanim. Binanggit din nya ang tamang espasyo ng paglalagay ng mga punla at kung paano ito alagaan hanggang sa lumaki at magkaroon ng bung ana maaring iharvest.

Ayon pa sa kanya, nagsimula at mas natuto daw syang magtanim noong panahon ng Green Revolution noong 1980s dahil tinuturo umano sa mga pampublikong paaralan ang wastong paghahalaman bilang bahagi ng kurikula.

Nagbigay din ng mga tips si Tunying kung paano mapalago ang tanim, ang tamas pagpipitas ng bunga ng papaya at ng talong at kung papaano malalaman na pwede na itong iharvest. Mahalaga rin umano na kinakausap ang mga halaman upang maging mas malusog.

Sa huling bahagi ng kanyang vlog, ibinahagi ni Tunying ang sikreto kung paano mapapakinabangan pa ang mga matatandang halaman na talong na madalas ay binubunot nalang at tinatapon dahil hindi na namumunga.

Ayon sa kanya, maari raw gawin ang ‘ratooning’kung saan pupungusan ang pinakahalaman, at ito ay magdadahong muli, mamumulaklak at mamumunga. Kaya kahit mahigit isang taon na ang kanilang talong ay napapakinabangan parin ito.

Talaga naman marami kang aral na mapupulot sa vlog ni Ka Tunying.

The post Broadcaster na si ‘Ka Tunying’ Anthony Taberna Ibinahagi ang Kaalaman sa Wastong Paghahalaman at Pagtatanim ng mga Gulay appeared first on READit.


Source: ReadIt

No comments:

Post a Comment