Kung nakapanuod ka dati ng programa sa ABS-CBN na Goin’ Bulilit ay malamang kilala mo ang cute na batang babaeng si Sharlene San Pedro.
Si Sharlene ay unang lumabas sa telebisyon sa isang talent search na Star Circle Quest: Kids Edition noong 2004 at nanalo bilang second place.
Mahigit isa’t kalahating dekada na rin ang karera ni Sharlene sa industriya ng showbiz. Marami na rin itong ginampanang mga karakter sa samu’t saring mga pelikula at palabas sa telebisyon. Umani na ng maraming pagkilala at parangal.
Sa kabila ng mahabang panahon na pamamalagi sa industriya, ay may marami na rin itong naipon at naipundar. Subalit hindi nagbago ang dating Sharlene na simple lang. Kamakailan lang ay nagbahagi ito ng simpleng pamumuhay nila sa probinsya.
Sa vlog ng aktres, ipinakita nito ang halamanan sa likod ng kanilang bakuran. Naroon ang iba’t-ibang mga gulay at mga prutas na itinanim ng kanyang amat at ina.
Tunay ngang kapag may itinanim ay may aanihin. Kaya naman, ang mga tanim na mga gulay ng kanyang ina ay napakinabangan nila lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan mas ligtas ang pamamalagi sa loob ng bahay.
Ilan sa mga gulay na kanilang nakuha ay ang ampalaya, okra, mayroon din kalamansi at avocado. Makikita sa vlog ni Sharlene na nag eenjoy ito sa pamimitas ng mga kalamansi.
Ang mga gulay ay kanilang inihanda sa kanilang pananghalian sa likod ng kanilang bahay. Nagluto din sila ng inihaw na manok, at kumain gamit ang kamay sa dahon ng saging. Ipinakita ng aktres na simple lamang ang kanilang pamumuhay at masaya ang kanilang pamilya dito.
Sa kabila ng kanyang katanyagan at narating sa buhay, nananatiling mapagkumbaba ang aktres at ipinakita na ang pamumuhay ng simple lalo na sa probinsya ay masaya kapag buo ang pamilya.
Samantala, bukod sa pag arte, magaling din na singer itong si Sharlene. Isa sa mga latest na kanta nito ay ang “Pusong Naliligaw” na mayroon nang mahigit 3 milyon views sa YouTube.
The post Buhay Probinsya ng Dating Going Bulilit Star na si Sharlene San Pedro, Ibinahagi nito sa Kanyang mga Tagahanga appeared first on READit.
Source: ReadIt
No comments:
Post a Comment