Source of True Trending Pinoy News

Monday, September 7, 2020

“Sugod Lang Para sa Pangarap”: Kakai Bautista, Ibinahagi ang Pagkakaroon ng Sariling Bahay Makalipas ang 20 Taon

May mga plano at pangarap tayo sa buhay na minsan ay hindi natin agad-agad nakakamtan. Subalit, ang mahalaga ay hindi tayo humihinto sa pangangarap lamang kundi atin itong ginagawan ng paraan upang atin itong maabot.

Proud na ibinahagi ng comedian, singer, at actress na si Kakai Bautista, ang pagkakaroon nito ng sariling bahay. Sa wakas, makalipas ang 20 taon ay makakamtan na nya ang pinapangarap na bahay.

photo credit to Kakai Bautista | Instagram

Hindi umano madali ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Ilang beses umano silang pinaalis sa kanilang inuupahan na bahay dahil hindi sila nakakabayad ng upa sa tamang oras. Akala umano ni Kakai ay mawawalan na sila ng tirahan, subalit hindi umano nagpabaya ang Diyos sa kanila.

“Gusto kong malaman niyo na napakaraming beses na kami napalayas sa mga narentahan namin. Dumating sa point na akala ko sa kalye na kami titira. Pero napakabuti ni Lord. 2 dekada akong nangarap para sa pamilya ko. Wag nating isipin na ang kahirapan na nararanasan natin ay parusa kungdi blessing na magpapatibay sa atin at sa ating faith,” mensahe pa ni Kakai sa mga netizens.

photo credit to Kakai Bautista | Instagram

Hindi paman umano makakalipat ang aktres sa bagong bahay dahil sa pandemya at sa hindi pa ito natatapos sa pagbabayad sa bahay. Subalit wika nito, “At naniniwala ako na makakalipat din ang pamilya ko dito. Si Lord ang bahala dahil siya ang gagawa ng paraan para matupad ‘yun. Dahil napakarami na niyang tinupad sa mga pangarap ko.”

“Di pa ito tapos dahil nagloan ako sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kasi alam kong pagtatrabahuhan ko ito at pagsisikapan,” dagdag pa ni Kakai.

Si Kakai ay nagsimula ng kanyang karera sa industriya ng showbiz noong taong 2003 nang siya ay nadiskubre ni Ricky Rivero sa kanyang pag-ganap sa isang dula na pinamagatang Alikabok. Si Kakai ay unang lumabas sa telebisyon sa mga palabas na Kampanerang Kuba, Kokey, at sa isang Filipino-Thai na pelikulang “Suddenly it’s Magic”.

The post “Sugod Lang Para sa Pangarap”: Kakai Bautista, Ibinahagi ang Pagkakaroon ng Sariling Bahay Makalipas ang 20 Taon appeared first on READit.


Source: ReadIt

No comments:

Post a Comment