Ang Kapuso Network ngayon ay labis na nalulungkot sa biglaang paglisan ng kanilang batikang direktor!
Ang mundo ng showbiz ngayon ay nagdadalamhati sa paglisan ng isa sa mga magagaling na direktor ng telebisyon. Siya ang veteran director na si Bert De Leon. Marami sa kanyang mga obra ang kilala at sikat sa telebisyon kagaya na lamang ng longest-running comedy gag show na ‘Bubble Gang’ at longest noontime show na ‘Eat Bulaga’ nang ilang taon. Siya rin ang direktor ng kinaaaliwang palabas na ‘Pepito Manaloto’ at ang prequel nitong ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.’
Source:IG/direkbert
Sa kanyang Facebook account ngayon lamang Nobyembre ay ibinahagi ng direktor na si Jose “Joey” Reyes ang malungkot na balita tungkol sa kanyang kapwa direktor.
Aniya, “You were always kind. You were always supportive of others. You were always strong at heart, remaining positive and hopeful. You have always remained a friend to your peers. You will be loved and remembered always, Direk. Have a safe trip home to the waiting arms of our Father.”
“Goodbye, Direk Bert de Leon.”
Source:IG/direkbert
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang sa mga nakatrabaho ni Direk Bert sa industriya gaya ng dating sexbomb dancer na si Aira Bermudez. Inalala naman siya ng singer na si Richard Reynoso kung saan nagkaroon ito ng magagandang alaala kasama ang direktor.
Ika ni Richard, “I just learned that the industry lost another ICON, Direk Bert De Leon. If my memory serves me well, the last time I saw him was when I appeared in PEPITO MANALOTO. Napakadaling katrabaho, as usual cool lang siya. Aside from Pepito, Direk Bert gave us some of the funniest sitcom on national tv.”
“Rest in peace, Direk Bert. And thank you for blessing us with your talent and humor,” pagbibigay-pugay ng mang-aawit sa yumaong direktor.
Isinugod umano sa hospital si Direk Bert noong lamang Hulyo matapos itong atakihin sa puso. Sumailalim din siya sa angiogram at angioplasty, ayon na rin sa kanyang Instagram post. At nito nga lamang Oktubre, ay naglunsad ng virtual fundraising event ang ilang mga kaibigan at katrabaho niya sa showbiz sa pamumuno ni Michael V. para sa medical assistance ng beteranong direktor matapos itong dapuan ng Coronavirus Disease.
The post Ang Kapuso Network ngayon ay labis na nalulungkot sa biglaang paglisan ng kanilang batikang direktor! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment