“Basag mo, bayad mo.” Madalas na nakikita ang paalalang ito sa mga department store o mall upang balaan ang mga customers na maging mas maingat sa kanilang pamimili. Ngunit may mga pagkakataon talagang hindi maiiwasan ang isang aksidente, maingat ka man o hindi. At minsan, talagang nakakapanlumo ang nagiging resulta nito.
Ganito ang nangyari sa isang pamilya na ito mula sa China. Nasira ang bakasyon nila matapos makagawa ang kanilang nanay ng isang nakakapanlumong pagkakamali! Sa kanilang trip, napagdesisyunan ng pamilya na bumisita sa kilalang jade market sa Ruili City sa Yunnan province, south western China.
Ngunit hindi nila inaaasahan ang mga susunod na pangyayari. Kung alam lamang nila, siguradong hindi na sila tutuloy pa! Ayon sa report sa Daily Mail, tumitingin-tingin ng jade bracelet ang babaeng ito. Ngunit sa kanyang paghawak sa isang jade bracelet, hindi sinasadyang nadulas ito sa kanyang kamay.
Dumiretso sa sahig ang nalaglag na jade bracelet, kung saan tuluyan na itong nabasag at nahati sa dalawa. Agad namang ipinaalala ng may-ari ng tindahan na mahal ang jade bracelet na iyon, at kailangang bayaran ng aleng nakabasag. Ngunit nang malaman niya ang presyo ng jade bracelet, nawalan siya ng malay sa nerbyos!
Ang nabasag na jade bracelet ay nagkakahalaga ng $44,110 o mahigit Php 2.2 million! Matapos marinig ito, nawalan ng malay ang babae dahil sa sobrang nerbyos. Mabuti na lamang at may mga tao sa paligid na sinalo siya at pinakalma siya dahil nagkaroon siya ng anxiety.
Sinubukang magbayad ng pamilya ng Php500,000 ngunit hindi ito tinanggap ng may-ari ng tindahan. Sa huli, nagkasundo ang dalawang partido na magbabayad na lamang ng Php 1.3 million para sa nabasag na jade bracelet ng mama nila. Siguradong sa susunod, magdadalawang-isip na siya sa pagsusukat ng mga mamahaling gamit!
The post Babaeng Nakabasag ng Jade Bracelet, Nahimatay Matapos Malaman ang Presyo Nito! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment