Talaga ngang nakakamahanga ang mga batang ipinanganak ng may angking talino. Sila ay ang mga batang pinagpala dahil sa kanilang kakayahan. Ginagamit nila ang kanilang husay upang umunlad ang kanilang sarili at makatulong sa kanilang lipunan.
Kagaya na lang ng henyong bata na si Laurent Simons, siya ay 11-taong gulang na mula pa sa Belgian. Ang batang ito ay nakapagtapos lang naman ng kaniyang Bachelor’s Degree in Physics at nagtapos din siya bilang isang Summa Cum Laude pagkatapos lamang ng isang taon sa University of Antwerp.
Natapos ni Laurent Simons ang kaniyang kolehiyo sa average na 9 sa kaniyang diploma, ayon sa ANP news agency sa pamamagitan ng Netherland News Live noong July 6. Tumagal ng isang taon bago natapos ni Simons at makumpleto ang kaniyang Bachelor’s Degree, samantalang inaabot daw ng 3 taon ang kursong kaniyang kinuha sa kanilang unibersidad.
Ipinagpapatuloy ngayon ni Simons ang kaniyang graduate studies sa pag-aaral ng Physics sa kaniyang parahong unibersidad at talagang natapos niya ang ilang mga kurso sa master’s program ng kanilang unibersidad.
“I have already completed a few courses,” sabi ni Simons sa kaniyang interview.
Gusto niyang maging isang scientists sa hinaharap, “replace as many parts of the body as possible with counterfeit organs,” dagdag pa niya.
Dati ay nag-aral si Simons ng electrical engineering sa Eindhoven University of Technology sa Netherlands, ngunit hindi niya natapos dahil sa nangyaring alitan sa pagitan ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang paaralan. Nakatakda na sana siyang maging pinakabatang nagtapos sa unibersidad ngunit hindi pinahintulutan na matapos ang kaniyang pag-aaral dahil napag-alaman ng paaralan na hindi makatotohanang magtapos si Simons bago ang kaniyang ika-10 kaarawan ngunit sinabi ng kaniyang mga magulang na ang kanilang anak ay biktima ng “bullying behavior”
Una nang binalak ni Simons na lumipat sa Israel o sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, ngunit sa halip ay lumipat sa University of Antwerp. Dito kaniyang napag-tagumpayan ang kaniyang mithiin na makatapos sa napakabatang edad. Ang nakakamangha kwentong ito ni Simons ay dahil sa kaniyang pagiging isang henyo, siya ang pinakabatang nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
The post Isang 11-taong Gulang na Batang Lalaki Ang Maagang Nakapagtapos sa Kolehiyo At Nagkamit Pa Ng Karangalan Bilang Summa Cum Laude appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment