Maraming manonood ang napaiyak at na-inspire sa kwento ng veteran actress na si Janice Jurado nang mag-guest siya sa nakaraang episode ng ‘Eat Bulaga.”
Isa si Janice sa mga br3ast canc3r survivor na naging choices sa “Bawal Judgmental” segment ng Kapuso noontime show nitong nagdaang Sabado. Dito ay naikuwento ng aktres ang kaniyang naging karanasan sa paglaban sa s4kit na canc3r at inamin na sinadya niyang ilihim ang tungkol dito sa kaniyang pamilya para hindi na mag-alala pa ang mga ito.
Ayon kay Janice, hindi siya agad nagpagamot nang madiskubre niya na siya ay tinubuan na pala ng mga buk0l sa dibdib dahil baka maapektuhan ang kaniyang showbiz career.
Nang kausapin nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros tungkol sa kaniyang naging sakit, paglalahad ng aktres,
“Nag-aartista pa ako noon, hindi ko pwedeng sabihin sa doktor kasi tatanggalin. Kapag tinanggal niya, wala ng hanapbuhay. Alam n’yo naman na ang dibdib ko ang bida noon.
“Kasi noon nga, ako ang breadwinner at saka maaga akong nagkaanak, kailangan ko maka-survive.”
Dagdag pa ng batikang aktres,
“Wala sa isip ko na may canc3r ako. Bukol lang siya. Nag-enjoy nga ako kasi ang daming buk0l, e. Hindi kasi lumaki siya lalo.
“Yun ang isa pang dahilan kung bakit ako napasok sa ipinagbabawal na gamot kasi kapag umiinom ako noon, nawawala ang pain.”
Pagbabahagi pa ni Janice na nakilala noon sa kaniyang mga s3xy movies,
“Dahil sa pagpasok sa dru6s, nawala ako sa movie, nawala rin ako sa TV, doon nag-pain nang nag-pa1n. Doon ako nag-decide na magpatingin, stage 3 na siya.”
Kasunod nito, naging emosyonal na nga si Janice habang nagbibigay ng mensahe para sa mga kagaya niyang nakikipaglaban sa br3ast canc3r.
Emosyonal na paglalahad ng aktres,
“Alam mo, hindi alam ng mga anak ko ‘to. Nanonood sila, hindi nila alam. Kasi, di ba, komedyante ako? Akala nila nagbibiro ako.
“Sabi ko lang, may bukol lang na tinanggal. Hindi ko sinabi kasi mas maapektuhan pa sila kasi nagtatrabaho sila sa ibang bansa, lalo na yung anak kong babae.”
Dagdag niya,
“Saka pinaghuhugutan ako ng lakas ng mga anak ko. Papaano na lang kung ako yung unang babagsak, ako yung unang manghihina, di ba? Ako yung breadwinner, pati yung mga kapatid ko, nakikita nila na malakas ako, nakikita nila na maayos ako.
“Pero kapag nag-iisa na lang ako, nandoon yung mga daing, doon ako sisigaw, nandoon yung mga s4kit. Sorry, mga anak, kung hindi ko sinabi sa inyo. Ayaw ko kasi silang maapektuhan, e.”
Patuloy niyang paalala sa lahat,
“Kailangan ang unang-unang susuporta sa’yo ay yung inyong mga mahal sa buhay.
“Kahit wala namang s4kit, sumusuporta ang mga anak ko, sobra ang pagmamahal ng mga anak ko. From time to time, tine-text ako, pinupuntahan ako, ‘Kamusta ka na, ma?’ Pero di ko sinasabi sa kanila.
“Hindi n’yo dapat gawin ‘yon. Ang dapat n’yong gawin talagang ang unang-unang dapat makaalam ay mga mahal niyo sa buhay, pamilya.”
Pahabol pa niyang advice sa mga manonood,
“Maging totoo po tayo sa ating sarili. Maging totoo po tayo sa ating mga kapwa. Kasi, kapag tinago po ninyo ‘yan, lalong lalala, huwag n’yo po ako gagayahin. Kahit maliit na maliit lang po na buk0l, ipaalam ninyo, patingnan ninyo. Saan ba nagsisimula ang malaki, di ba sa maliit?”
Para naman sa lahat ng mga taong nakikipaglaban sa canc3r, “Huwag n’yo ‘tong masyadong dibdibin. I-pray n’yo lang kay God. Kasi kahit anong gawin n’yo, maglupasay ka man nang maglupasay, nandiyan na ‘yan, e. Mag-pray ka lang kay God at huwag mong gagawin ‘yong mga bawal.”
At tungkol naman sa health condition niya ngayon, “Sobra sa all right, sobra sa okay.”
The post Kilalang Aktres, Inamin Na May Matinding S4kit Na Pinagdaanan Na Hindi Alam Ng Kaniyang Pamilya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment