Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, November 30, 2021

Isang Sikat Na Aktor, Dadaan Sa Isang Operasyon Na Ipinag-alala Ng Kaniyang Pamilya At Mga Kaibigan

Maraming celebrities ang nangako sa Kapamilya aktor na si Joross Gamboa na ipagdarasal ang mabilis niyang paggalking matapos ibalita na sasailalim siya sa sur6ery.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng aktor na siya ay naghahanda para sa kaniyang operasyon dahil sa injury na natamo sa paglalaro ng basketball.

Aniya sa caption ng kaniyang post,

“Getting ready for my Achilles operation! God bless everyone! Praying for a smooth operation and quick recovery in Jesus’ name.”

Pinasalamatan din ni Joross sa kaniyang post ang kaniyang asawa na si Katz Gamboa sa walang sawang pag-aalaga at pagmamahal nito sa kaniya.

 

Ani Joross,

“Also special thanks sa aking pinakamamahal na asawa katz_gamboa sa pagpaparanas sakin ng 10 (star emoji) ng pag aalaga! Labyu!”

Base sa isang health website, ang “Ach1lles t3ndon rupture” ay isang “injury that effects the back of the lower leg. The Achilles tendon is a strong fibrous cord that connects the muscles in the back of your calf to your heel bone. If you overstretch your Achilles tendon, it can tear (rupture) completely or just partially.”

Saad pa ni Joross, baka daw anim na buwan pa ang kakailanganin niya para sa kaniyang complete recovery pagkatapos ng sur6ery.

 

Lahad ng aktor,

“Depende sa pagiging masunurin ko sa therapy. Basta ni-lift up ko na lahat kay God kaya kahit ganito situation ko circumstances ko I still have joy and peace. Because of Jesus Christ my Lord and Savior! God bless everyone!”

Ilan sa mga kasamahan niya sa showbiz na nagbigay ng mensahe para sa agaran niyang paggaling ay sina Vhong Navarro, Iza Calzado, Derek Ramsay, Adrian Alandy, Jason Abalos, Wendell Ramos, at JC de Vera.

Kung matatandaan, unang nag-post si Joross tungkol sa kinasangkutan niyang aksidente sa pagba-basketball sa pamamagitan ng isang video clip.

 

Pahayag ni Joross,

“Achilles Injury (Narinig mo yun?) Nagbasketball kami sa 3rd floor naglaro kaming 3vs3 tapos ‘yung pagtakbo ko biglang may pumutok na malakas (may napigtas). Alam niyo feeling ng may humampas ng dospordos sa binte malamang hindi basta parang ganun. Di mas4kit sa simula, gulat lang.

“Akala ko nga may multo nun kasi walang tao sa likod ko. Tapos dahan dahan ng sumas4kit taas ng sakong ko. Ayun napigtas na nga Achilles ko.”

Dagdag pa niya,

“Napaka-importante talaga ng stretching sa simula. Eto lang ata ‘yung time na naglaro ako ng ‘di nagtodo stretching kasi late kami dumating. Kaya sa inyong lahat magiingat kayo parati.”

The post Isang Sikat Na Aktor, Dadaan Sa Isang Operasyon Na Ipinag-alala Ng Kaniyang Pamilya At Mga Kaibigan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment