Source of True Trending Pinoy News

Friday, November 26, 2021

Netizen, Inireklamo Ang Kilalang Supermarket Dahil Sa Item Na Iba Na Ang Presyo Pagdating Sa Counter

Tayong mga mamimili ay nakasanayan na din na hindi na i-check o tignan pa ang presyo sa resibo ng groceries at iba pa na ating pinamimili, lalo na kung tayo ay wala ng oras para tignan ito o di kaya ay nagmamadali tayo.

Isang babala at paalala naman ang ibinigay ng isang netizen sa publiko na ugaliing i-double check ang kanilang mga resibo dahil maaaring magkaiba ang presyo ng isang item sa price tag pagdating sa cashier o counter.

Sa post ng netizen na si Serge Julaton Noda Gonzales, ibinahagi nito ang naging karanasan niya sa kilalang supermarket. Sa larawan na kaniyang ini-upload, makikita na iba ang presyo ng dalawang item na kaniyang binili kumpara sa nakalagay na price tag nito.

Saad ni Gonzales, ang presyo ng Mang Tomas na nakalagay sa price tag ay P29.50 ngunit pagdating sa cashier at pagtingin niya sa kaniyang resibo ay P34.50 na ang nakalagay dito. Maging ang giniling na P210.19 sa price tag ay naging P214.72 sa resibo.

Kwento pa ng netizen, habang sila ng cashier ay nag-uusap dahil sa pangyayari, mayroong isang babae na nakikinig sa kanila na biglang umalis. Nang ipatawag niya ang kanilang manager, hindi niya akalain na ang babaeng nakikinig pala ang siyang manager ng naturang branch.

Aniya,

“Sa usapan namin ng kahera sabi ko tawagin nya ang manager…. At nung tinawag nya… ayun na nga nagulat pa ako kung sino yung nakikinig sa usapan namin sta pala yung manager… sabi ko sa knya maam bakit kanina naririnig muna usapan namin bakit di kapa nakialam… haissst di lng sya sumagot.”

Paliwanag daw sa kaniya ng manager na hindi pa napalitan ng kanilang tao ang price tag na nakalagay sa item.

Dagdag ni Gonzales,

“PATAY MALISYA YUNG MANAGER!!! PARANG ALAM NA NYA ANG KALAKARAN!!!!”

Saad pa niya, maiintindihan niya kung ang price tag ng naturang item lamang ang siyang hindi pa napalitan ngunit maging ang binili niyang giniling ay iba din ang presyo.

Tanong niya,

“Eh paano ung machine nila sa pagkilo at pgpresyo ng baboy????!!!! Di rin naplitan??!!!!!”

Pagpapatuloy niya,

“Sinabi ko na sa counter!!! Wag sila magdahilan na ngayon lang yan dahil marami ako nabasa sa gc!!! Haissssttt grabe sagot lang nila sakin bibigyan lang daw nila ng disciplinary action yung tao na nagkamali???? HUH??????!!!!!!!! So paano yung nakalagay sa system nyo na kiluhan???!!! Na nagkamali din????

“HINDI KAYA M0DUS NA DIN TALAGA TO NG SM SAVEMORE???? GRABE PANLOLOKO SA MGA CONSUMER!!!!”

Narito ang kabuuang post ni Gonzales sa ibaba:

“AUGUST 30,2021!!!! DOUBLE CHECK DOUBLE CHECK DOUBLE CHECK! SAVEMORE MPLACE!!!

grabe! Bawat sentimo mahalaga sa panahon ngayon!!!!

May nabasa na ako ganito sa GC namin  dito sa condo na sobra sobra ang nakapunch na sisingilin kapag nagbayad kana sa grocery!!! Akala ko nung nabasa ko un… baka nagkamali lang ng isang beses… pero dami ko na nabasa comment…na same experience! And GRABE NA EXPERIENCE KO DIN!!! Haisssttt TOTOO PALA TALAGA!!! AKALA NATIN MAS OK SA GROCERY BUMILI NG ITEM! Kaysa sa palengke kasi di naman sa nilalahat may madadayang timbangan sa palengke… pero GRABE GRABE!!! MAS MALALA PALA SA GROCERY!!!! di lang mga pork pati ibang items!!!! Iba nakalagay sa tag nila tapos kapag magbabayad kana MAS MAHAL!!!!

experience ko ito august 30,2021 yung mang tomas sa tag nila 29.50 pero sa resibo na binayaran!!!! 34.50!!!!!ABA ABA LIMANG PISO DIN YUN!!!

Tapos itong giniling!!!! 210.19 sa tag!!! Pero sa resibo!!! 214.72!!!! ABA ABA APAT NA PISO DIN YUN!!!!!!

at nakakatawa pa!!! May isang nakikinig sa usapan namin ng kahera na staff… tapos umalis…. Sa usapan namin ng kahera sabi ko tawagin nya ang manager…. At nung tinawag nya… ayun na nga nagulat pa ako kung sino yung nakikinig sa usapan namin sta pala yung manager… sabi ko sa knya maam bakit kanina naririnig muna usapan namin bakit di kapa nakialam… haissst di lng sya sumagot sinabi lang na dinlang daw napalitan ng tao yung tag… P4TAY MALISYA YUNG MANAGER!!! PARANG ALAM NA NYA ANG KALAKARAN!!!!

Sabihin na natin na 9 pesos lang hinahabol Ko sa pagkakamali nila na ang dahilan daw! Di daw napalitan yung tag!!!! Eh paano ung machine nila sa pagkilo at pgpresyo ng baboy????!!!! Di rin naplitan??!!!!!

Sabihin lang natin na 9pesos lang ang sobra sa siningil sa atin…. Sa araw araw ilang daan ang nagogrocery!!! Magkano nakukuha nila sa ganyan???!!!! At for the first time bgayon lang ako nagdouble check ng resibo ahhhhh!!! So ibig sabihin kung di pa dahil sa nabasa ko sa GC natin dito sa condo di pa ako ma aalarm!!! Grabe!!!

Sinabi ko na sa counter!!! Wag sila magdahilan na ngayon lang yan dahil marami ako nabasa sa gc!!! Haissssttt grabe sagot lang nila sakin bibigyan lang daw nila ng disciplinary action yung tao na nagkamali???? HUH??????!!!!!!!! So paano yung nakalagay sa system nyo na kiluhan???!!! Na nagkamali din????

HINDI KAYA M0DUS NA DIN TALAGA TO NG SM SAVEMORE???? GRABE PANLOLOKO SA MGA CONSUMER!!!!”

The post Netizen, Inireklamo Ang Kilalang Supermarket Dahil Sa Item Na Iba Na Ang Presyo Pagdating Sa Counter appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment