Kailanman ay hindi magiging batayan ang pisikal na hitsura, edad, at estado ng buhay para makahanap ang isang tao ng tunay na pag-ibig at taong magmamahal sa kanila.
Katulad na lamang ng kwento ng isang lalaki na sa kabila ng kaniyang hitsura at kakaibang kaanyuan, siya ay nakahanap pa din ng taong magmamahal sa kaniya ng tunay.
Si Zingzong ay isang skateboarder sa Cebu City. Siya ay mayroong sakit na dahilan para ma-deformed ang kaniyang mukha at hindi well-developed ang kaniyang katawan. Wala pang nakakaalam sa tunay na dahilan kung ano ang sanhi ng kaniyang s4kit.
Si Zingzong ay mahilig maglaro ng skateboarding. Marami din ang nakakapansin sa kaniyang kakayahan dahil sa husay niya sa paglalaro ng skateboarding. Si Zingzong ay nakilala sa social media dahil sa kaniyang kaibigan na isang professional skateboarder.
Katulad ng mga kabataan, dumating din si Zingzong sa punto na siya ay nakatagpo ng taong magmamahal at tatanggap sa kaniya.
Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi niya ang isang larawan kasama ang isang babae na mayroong hawak na baby na may caption na, ‘Family Picture.”
Tunay nga na nakahanap si Zingzong ng babaeng tatanggap, magmamahal sa kaniya, at ipagmamalaki siya sa buong mundo kahit sino pa siya. Mapapansin sa mga larawang ibinabahagi ni Zingzong sa kaniyang social media account ang kasiyahan at kagalakan sa mukha ng kaniyang girlfriend.
Marami sa mga netizens ang pinuri at namangha sa girlfriend ni Zingzong dahil kailanman ay hindi niya ito ikinahiya sa kabila ng hitsura nito. Sa katunayan nga niyan ay napaka-supportive at very proud ang kaniyang girlfriend sa kaniya, lalo na sa pagtupad niya sa kaniyang mga pangarap.
Mas marami ngayon sa mga netizens ang interesado na makilala pa si Zingzong at malaman ang tunay na kwento ng kaniyang buhay dahil na din sa kaniyang husay pagdating sa paglalaro ng skateboarding.
The post Lalaki Na May Kakaibang Anyo, Natagpuan Ang Babaeng Tunay Na Magmamahal Sa Kaniya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment