Ang mensaheng ito na iniwan ng isang ama sa kaniyang mga anak ay talagang dumurog sa puso at nagpaiyak sa mga ito.
Hindi mapigilan ng mga anak na maging emosyonal at mapaluha habang isinasayaw ang kanilang ama sa awitin na paborito nitong sayawin noong ito ay malakas pa.
Alam na ng padre-de-pamilya na malapit na niyang lisanin ang mundo dahil nahihirapan na din siya sa kaniyang kalagayan at karamdaman na iniinda. Kaya naman naisip niyang ipatawag na ang kaniyang mga anak at papuntahin sa kaniya para makita ang mga ito na nagtitipon-tipon at magkasama silang pamilya sa huling mga sandali ng kaniyang buhay.
Sa mga huling sandali, tanging hiling ng kanilang mga ama na itayo siya at isayaw ng mga ito sa paboritong awitin na nais niyang marinig.
Habang isa-isang isinasayaw ng mga anak ang kanilang ama ay nagbibigay ito ng mga mensahe at payo sa kanila at sinasabing, “mahal na mahal ko kayo mga anak ko.” Hanggang sa ito ay tuluyan ng nawalan ng malay habang nakayakap sa kaniyang mga anak.
Samantala, marami sa mga netizens ang naluha at nadurog ang puso sa kaganapang ito ng mag-aama.
Narito ang ilang komento mula sa online community:
“Nakakaiyak Naman kayak dapat habang Kasama natin Sila iparamdam natin Ang pagmamahal”
“Sobrang durog ang puso ko tlga dto ramdam ko ung naramdaman ni kua hapang yakap nya knyang ama tlgang sobrang sobra iyak ko tlga…ito mganda halimbawa hanggat buhay pa mgulang natin mhalin ntin at yakapin ntin mhigpit…our deepest condolencepo…”
“Kaya dapat mahalin matin sila habang kayakap at kasama pa natin sila”
“NAKAKAIYAK naman nito kaya dapat mahalin natin ang ating mga magulang habang sila ay ating nakakasama pa at nayayakap”
The post Ama, Humiling Sa Kaniyang Mga Anak Na Isayaw Siya Sa Paborito Niyang Awitin Bago Tuluyang Mamaalam appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment