Source of True Trending Pinoy News

Saturday, December 4, 2021

Angeline Quinto, usap-usapang tatlong buwan na raw buntis sa kanyang non-showbiz boyfriend!

Usap usapan ngayon sa social media ang pagbubuntis diumano ng Kapamilya singer actress na si Angeline Quinto.

Kumakalat ngayon sa TikTok ang isang video clip kung saan iniintrigang buntis umano si Angeline Quinto.

Aksid’en’te raw na nahagip ng camera ang teleprompter sa naganap na concert ni Angge sa Metropolitan Theater sa Maynila. Kung saan pinagdiwang niya ang kaniyang ika-isang dekada sa industriya.

Makikita sa nasabing teleprompter na nakuhaan ng video ang mga salitang,  ‘Angge to share pregnancy journey, pregnancy kit, 1st ultrasound, at lumalaki ang tiyan’

May mga larawan din ng singer actress na makikitang tila malaki nga ang dinagdag ng kanyang timbang.

Napansin din ng ilan na tuwing bumibirit ng kantansi Angge ay nakahawak sa kanyang tiyan. Na tila may baby bump na din.

 

Sa panayam naman ni Cristy Fermin kay Erik Santos ay naitanong ang tungkol kay Angge. Ngunit hindi nakasagot si Erik at napainom na lamang ng tubig.

Nag-spark din ang nasabing balita nang sunud-sunod ang mga cryptic messages ni Angge sa social media.

Nauna nang inamin ni Angeline na may non-showbiz boyfriend siya though hindi niya binanggit ang pangalan, sa vlog interview ni Karen Davila.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Angge hinggil sa isyung ito.

The post Angeline Quinto, usap-usapang tatlong buwan na raw buntis sa kanyang non-showbiz boyfriend! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment