Isa ang mga Magsasaka sa may pinakamahalagang trabaho dito sa ating bansa, Dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala tayong bigas na isasaing at ihahain sa ating hapag kainan na ating pangunahing pangangailangan. Subalit masakit lamang isipin na kung sino pa yung pinaka mahirap na trabaho ay siya pang may pinaka-mababang kinikita.
Maghapong sa arawan, tinitiis ang pagod at init makapag tanim lamang yan ang mga Magsasaka, Samantala sa kanilang pagtatrabaho sa bukirin ay hindi maiiwasan na may nahukay silang misteryosong bagay na minsan ay hindi nila alam kung ito ay may halaga o kung magkano ang halaga nito.
Isang halimbawa na diyan ay ang nakakamangha na nahukay ng mga magsasaka sa bansang Tsina. Ito ay isang dambuhalang ugat na kanilang nahukay sa probinsya ng Chuan.
Sa kanilang pagtatanong nalaman nila na ito pala ay ugat ng “Ginseng”. Kaya naman agad nila itong ibinenta sa halagang $77,000 o 30,000 Pesos.
Sa ganitong halaga ay tuwang tuwa ang mga Magsasaka, Ngunit laking gulat nila na ang tunay pala nitong presyo ay halos 10 beses sa presyong kanilang ibinebenta. Kaya naman labis ang panghihinayang nila dahil ang ugat palang kanilang na hukay ay ang sinasabing pinakasikat na halamang gamot sa buong mundo.
Ang ugat na kanilang nahukay ay sinasabi rin na maaaring maging gamot sa napakaraming uri ng sakit. Hindi lamang ito pinaniniwalaan na nakakadagdag ng enerhiya sa isang tao kundi nakakatanggal din ito ng stress.
Masasabing maraming benepisyo ang naturang ugat, Kaya naman marami talaga ang nagnanais na sumubok gamitin ito lalong-lalo na ang mga kalalakihan na sinasabing mayroon malaking benepisyo sa pagkalalaki.
Kaya naman galit ang mga magsasaka sa lalaking nanloko sa kanila at binili lamang ito sa halagang $700, Tinataya kasing ang presyo nito kada pulgada ay aabot na ng $600. Paano pa kaya kung ito ay isang higante o malaking ugat.
Ang lalong kinagalit ng mga magsasaka sa Lalaking bumili nito ay ng mabalitaan nila na naibenta ito sa halagang $7000. Mayroon din isang mayaman na naghahanap ng ganitong klaseng gamot at hada raw siyang magbayad hanggang $300,000.
Para naman sa mga magsasaka ay naging aral na raw ito sa kanila upang matuto na magtanong muna at maghintay na tiyak na kasagutan bago nila ito ibenta.
Nakaka lungkot rin isipin kung minsan na kung sino pa yung walang-wala ay iyon pa ang madalas na lokohin at pagkakitaan. Kaya baka may makahukay din ng katulad nito sa inyo pagbutihin munang isangguni sa nararapat na ahensya.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment