Source of True Trending Pinoy News

Saturday, December 4, 2021

Kasambahay na dating tindera ng asin ‘Instant Millionaire’ matapos pamanahan ng kanyang Amo


Hindi makapaniwala ang isang Pinay na kasambahay sa Hongkong na dating tindera ng asin na magiging milyonaryo siya matapos siyang pamahanan ng kanyang amo dahil sa ipinakita niyang kabaitan at pagmamalasakit dito.

Ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya at magandang kapalaran ni Daisy Bucad-Eng na mula sa Mountain Province.

Kwento ni Daisy, 16 na taong gulang pa lamang siya ay nagkaroon na siya ng asawa at nagdalang tao. Tanging pagtitinda lamang ng asin ang kanyang ikinabubuhay noon ngunit hindi ito sapat para sa kanila, kaya naman sumubok si Daisy na mag ibang bansa at maging domestic helper.

Katulad ng karamihan, hindi pinalad at naging mapait ang karanasan ni Daisy sa kanyang mga naunang amo sa Hong Kong. Hanggang ang magtagpo landas ni Daisy at ng kanyang among Portuges na isang senior citizen.

Nasa 900 HK dollar o katumbas ng P2,700 bawat buwan lamang daw ang sinasahod ni Daisy sa paninilbihan sa kanyang amo na si Madam Marie. May kababaan man ay hindi ito naging problema sa kanya dahil sa sobrang bait at itinuring na siyang parte ng pamilya ng kanyang Madam.

Kwento pa ni Daisy, sumama at nanirahan pa raw si Marie sa Pilipinas dahil ayaw nitong magpaiwan sa home for the aged sa Hong Kong.

Dahil sa pagiging malapit ng dalawa at magandang relasyon ni Daisy sa kanyang amo, naging masaya si Marie sa pamamalagi sa tahanan ni Daisy. Ipinapasyal pa ni Daisy ang kanyang amo sa magagandang lugar sa naturang probinsya.

Subalit sa kasamaang palad taong 2002 ay namaalam na si Madam Marie dahil sa isang malubhang sakit. Labis itong ikinalungkot ng kanyang kasambahay na itinuring niyang kaibigan at kadugo na nagsilbi sa kanya ng labing isang taon.

Samantala, dahil sa pagiging tapat sa serbisyo ay isinama ni Madam Marie si Daisy sa listahan na kanyang pamamanahan. Kaya naman laking gulat ni Daisy nang may dumating na isang liham sa kanya na magpapabago ng kanyang kapalaran.

“Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon.”

Naisip daw niya noon, “Totoo ba to?’ Parang may katotohanan na nga ito.”

Ipinamana ni Madam Marie kay Daisy ang isang apartment na nagkakahalaga ng 26 milyong piso, mga stocks sa iba’t-ibang kumpanya at mga dolyares na umaabot sa tumataginting na 25 milyong piso.

Dahil sa sobrang pagmamahal at pagpapasalamat ni Daisy kay Marie ay binigyan niya ito ng sariling espasyo sa kanyang tahanan upang ang alaala ng kaniyang yumaong kaibigan ay palaging nasa kanya.

Sa huli ay may mensahe si Daisy sa mga kagaya niyang OFW.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment