Source of True Trending Pinoy News

Sunday, December 5, 2021

Dra. Vicki Belo, hindi napigilang maiyak habang kinukwento kung bakit ayaw na ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan

Hindi napigilan ni Dra. Vicki Belo ang maiyak tuwing naaalala niya ang araw ng kanyang kapanganakan.

Naging guest sa vlog ni Ogie Diaz si Dra. Belo at dito niya ikinwento ang isa sa mapait niyang karanasan.

Isa nga sa naitanong ni Ogie ay kung bakit hindi nababati si Dra. Belo tuwing magdiriwang ito ng kanyang birthday.

At dito na nga ibinahagi ng celebrity doctor ang tungkol sa pagiging ampon niya.

Panglima si Dra. Belo sa kanilang siyam na magkakapatid. At habang pinagbubuntis umano siya ng kanyang ina ay nagbitaw ito ng salita.

Na kung sakaling babae daw ang nasa sinapupunan nito ay ipapamigay niya talaga. Nagkataon naman na si Dra. Belo ang ipinagbubuntis ng kanyang tunay na ina ng mga panahon na iyon.

“Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko,”

“In my head… parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na,” naluluha nang nasabi ni Dra. Belo.

“So when I think of that since I have so many issues about adoption about not being good enough, about not being lovable… I don’t like to be greeted,”

“My mom and dad gave me on my birthday,” pagbabahagi ng doktora.

Aniya nanunumbalik daw ang sakit ng nakaraan tuwing dumarating ang kanyang kaarawan.

Kaya naman mas ginusto daw niyang hindi siya batiin sa araw na iyon. At ito na daw ang best gift na kanyang matatanggap.

Aniya pa nga, “I just ignore… so the best gift that you can give me is not to greet me”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:

The post Dra. Vicki Belo, hindi napigilang maiyak habang kinukwento kung bakit ayaw na ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment