Source of True Trending Pinoy News

Sunday, December 5, 2021

Brenda Mage, sinabihan si Alexa Ilacad na: “Wala siyang silbi, ganda lang talaga…panay lamon pa”

Matinding pahayag ang binitawan ni Brenda Mage laban sa kanyang co-housemate sa PBB na si Alexa Ilacad.

Matunog ang pangalan ngayon ng komedyanteng si Brenda Mage sa social media. Matapos umano nitong tawaging “walang silbi” si Alexa.

Ito ang paratang na binitawan ni Brenda sa kaniyang pakikipag-usap kay Madam Inutz na nakuhanan sa 24/7 stream ng “PBB” sa Kumu.

Sa kumakalat na video, mapapanood na sinabi ni Madam Inutz na tila wala pa siya gaanong napapansin na nagawa ni Alexa. Sa loob ng Bahay ni Kuya, bagay na sinang-ayunan naman ni Brenda.

Ayon kay Brenda, tanging musika lamang ang naiambag ng aktres sa reality show. Dahil madalas itong walang naitutulong sa kaniyang mga kagrupo maging sa mga nakaraang task nila.

Hindi pa rito natapos ang pag-uusap ng dalawa dahil tinawag din ni Brenda na walang silbi si Alexa at puro ganda lamang.

“Wala siyang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH laging lampa. Sa lutuan naman walang kwenta. Panay tago pa ng tinapay. Panay lamon pa. Pag kumakain tayo, hindi nagpapaalam kain na agad wala pang prayer. ‘Yun lang ambag niya, loveteam-loveteam. Pero siya lagi nase-save,” pahayag ni Brenda.

Napaisip din sina Brenda at Madam Inutz sa mga maaaring mangyari sa papalapit na evicti0n night kung saan dalawa kina TJ Valderrama, Samantha Bernardo, Karen Bordador, at Alexa ang tuluyang nang lalabas ng bahay.

Marami ang nagsasabi na hindi pang-re-realtalk ang mga sinabi ni Brenda kay Alexa. Kung hindi uri ng bac’k’stab’b’ing.

Marami namang netizen at tagasuporta ni Alexa ang nagalit dahil sa masasakit na salitang binitawan ng co-housemate nito.

Tinawag din ng ilan ang atensyon ng PBB at sinabing gawan ito ng aksyon.

The post Brenda Mage, sinabihan si Alexa Ilacad na: “Wala siyang silbi, ganda lang talaga…panay lamon pa” appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment