Tila natagpuan na ng singer na si Sheryn Regis ang muling magpapatibok ng kanyang puso.
Usap usapan ngayon ang mga sweet TikTok video ni Sheryn sa napapabalitang bago niyang karelasyon na si Mel de Guia.
Halos dalawang dekada nanirahan si Sheryn sa US at nakaraang taon lamang ulit siya bumalik sa bansa.
Sa kanya ngang pagbabalik ay ibinahagi nito na hiwalay na siya sa kanyang mister sa isang interview.
Samantala marami ang nagtatanong ngayon kung muli na nga bang nahanap ni Sheryn ang magpapatibok muli ng kanyang puso. Sa katauhan nga ni Mel.
Si Mel ay isang YouTuber at proud member ng L6BT community. Una siyang nakilala sa social media sa The Ulagas,” ang YouTube channel nila ng dating kasintahan at model na si Nicole Mendoza.
Hinuha nga ng mga netizens na may relasyon sina Sheryn at Mel dahil sa mga sweet videos nila.
Sa nasabing video, nauna si Sheryn sa pagsabay sa dub na nagsasabing, “Love yourself.”
Saka lumabas sa frame ng camera si Mel at sinabayan ang dub na nagsabing, “Tapos ako next.”
Masuyong hinalikan ni Mel sa pisngi si Sheryn at saka sila sumayaw nang magkayap sa saliw ng kantang “Mr. Kupido.”
Sabay tila kinikilig na ngumiti sa isa’t-isa.
Hindi nakatag si Sheryn sa post ni Mel pero marami ang nakilala agad ang singer. Kaya naman tanong nila ay kung may relasyon na nga ba ang dalawa.
The post Singer Sheryn Regis, proud na ipinakilala sa madla ang kanyang bagong karelasyon na isang YouTuber at proud LGBT member na si Mel de Guia! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment