Dahil sa hirap ng buhay lalo na ngayon pandemya, maraming tao ang madaling masilaw at masira sa pera. Kaya naman kung ikaw ay su-suwertehin at makapulot ng malaking pera sa basura ay ano kaya ang iyong gagawin?
Marahil ang iba sa atin ay aaminin na ito ay ibulsa na lamang nila dahil sa hirap ng buhay. Ngunit mayroon pa rin na mga tao na mabubuti ang kalooban at nagbabalik sa tunay na may-ari na kanilang napupulot.
Katulad na lamang ng isang mabuting basurero na ito na si Emmanuel Romano na taga Baliwag, Bulacan. Bilang isang garbage collector, siya ay mayroon lamang napakaliit na sweldo na pinagkakasya sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ayon sa kanya Habang nangongolekta ng basura, siya ay nakatagpo ng isang plastic na naglalaman ng limpak-limpak na pera na may halagang halos kalahating milyon.
“Kinabahan po ako, nakita ko po yung pera, tinabi ko po muna sa gilid. Di ko po muna pinakita sa mga kasamahan ko.” wika niya.
Kahit na nasa palad na niya ang malaking halaga ng pera hindi raw sumagi sa kanyang isipan ang ito ay angkinin at ibulsa dahil hindi naman daw niya ito pinaghirapan.
Malaking tulong na sana ito sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang sanggol na may sakit at kailangang ipagawa ang kanilang bahay.
Subalit mas nanaig ang kabutihang loob ni Kuya Emmanuel at ito ay nagtungo sa kanilang barangay upang doon ito isauli.
Nagkataon naman na may nagreport tungkol sa nawawalang pera. Nang magkaharap si Kuya Emannuel at ang may-ari ng pera ay tuwang-tuwa ito.
Ayon sa may-ari kaya raw napunta ang pera sa basurahan ay dahil pinagsaraduhan sila ng bangko at saka inilagay sa isang supot na kala naman ng kanyang mister na ito ay basura kaya naman itinapon sa basurahan.
Sobrang laki ng pasasalamat ng may-ari ng pera kay Emmanuel. Kaya naman bilang gantimpala ay binigyan ito ng tulong pinansyal at nangako ng iba pang tulong.
Kinilala naman ng lokal na pamahalaan at ginawang regular sa kanyang trabaho si Kuya Emmanuel. Napatingin na rin nila ang kanilang sanggol sa isang døktør.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment