Sa isang resort sa Maynila isang araw ay abala ang lahat ng empleyado dahil dagsa ang maraming guests sa naturang araw kumpara sa mga nagdaang linggo.
Maging ang mga VIP o (Very Important Person) ay nagtungo sa napakalaking resort isa nga diyan ay si Mrs. Jhemerlyn Robez. Siya ay isa sa pinakasikat na manunulat sa bansa kung kaya naman talagang inasikaso siya ng mga empleyado.
Samantala, Habang nasa pila ng mga guests na nagnanais na magtungo sa naturang resort ay labis siyang nagulat na dere-deretso lamang ang isang matandang lalaki na nakasuot ng simpleng t-shirt at shorts at tsinelas sa “Reception Area” habang siya ay may ilang minuto na ring nakatayo at naghihintay ng kanyang pagkakataon.
Hindi na nakapagpigil pa si Mrs. Roblez at pinuna ang pangyayari. Marami ang napalingon sa kanila dahil sa eksenang ginawa niya.
Sumigaw ng malakas at nagrereklamo ito ng walang pag-aalinlangan at hinusgahan at inalipusta ang naturang matandang lalaki. Hindi raw tama na unahin ito dahil sa hindi maayos ang pananamit nito at mukhang walang pera.
Maraming sinabing masasakit sa matandang lalaki. Pinipigilan siya ng mga empleyado sa resort subalit hindi ito nag paawat.
Tumigil lang ang naturang VIP nang mapagod ito sa pagsasalita at doon niya narinig ang sinabi ng naturang hotel manager na ang matandang inaaway niya ay siyang may-ari ng naturang resort.
Hindi nakapagsalita at namutla si Mrs.Roblez dahil sa sobrang kahihiyan ay napainom na lamang ito ng tubig.
Agad itong humingi ng paumanhin sa matanda at sinabing tatanggapin ano mang parusa ang ibibigay nito sa kaniya dahil sa kanyang nagawa.
Sinabi naman ng matanda na hindi na ito kailangan bagkus ay dapat na matuto na siya sa pangyayaring ito.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment