Isang kwento sa social media ang umantig sa puso ng mga netizen. Ito ay kung saan tila nagsilbing anghel ang isang alagang aso para matulungan ang isang matagal ng nawawalang Nanay.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, Isang nanay sa General Santos City tinulungan ng grupo ng Animal Rescue Team na Purpaws na maibahagi sa kanilang Facebook Page ang paghahanap nito sa kanyang nawawalang aso. Dahil di umano ang naturang aso ay kinuha daw sa kanya ng hindi niya kilalang tao.
Si Nanay ay kilala sa pangalan na Jocelyn . Mapapansin kay Nanay na siya ay medyo mahina ang pananalita ni nanay at pag-iisip.
Madalas daw makita si Nanay Jocelyn na palakad lakad sa Highway ng Lungsod kasama ang alaga nito. Minsan na rin daw binigyan ng regalong tale si Nanay para sa kanyang aso ng grupong Purpaws.
Bago pa man daw mawala ang nasabing aso ni Nanay Jocelyn ay nakuhanan pa ito ng litrato ng grupo ng Purpaws, makikita sa mga larawan na ito na kulay puti may konting halong kayumanggi ang aso ni Nanay.
Maraming netizen naman ang tumulong kay Nanay sa pamamagitan ng pag Share ng post nito hanggang sa umabot ito sa lugar ng Bukidnon kung saan doon daw nakatira ang mga kamag-anak ni Nanay.
Hindi nagtagal may natanggap na mensahe ang grupo ng Purpaws mula sa babaeng nagngangalang Joan Francisco Contapay.
Ang mensaheng natanggap ay hindi para sa aso kundi para mismo kay Nanay Jocelyn dahil ayon sa mensahe ni Joan, sinasabi niya na si Nanay Jocelyn daw ang kanyang Nanay na matagal na nilang hinahanap at matagal ng hindi nakikita.
Ayon mismo kay Joan mahilig daw talagang maglakbay ang kanyang Nanay Jocelyn kung minsan nga daw ay lagi ito nasa karatig bayan nila tulad ng Polomok, South Cotabato.
Isa rin ang Pamangkin ni Nanay Jocelyn na si Nica Contapay Apura ang nakipag ugnayan sa Purpaws. Labis daw ang pag-iyak ni Joan ng mabasa daw niya ang naturang post ng Grupo.
Para naman sa Purpaws, Ang ganitong pangyayari daw ay hindi nila inaasahan dahil ang simpleng paghahanap sa nawawalang aso ay naging daan upang makita ng mga anak ang kanilang Ina na matagal ng nawawala.
Napakalaking tulong naman ito para kay Nanay ang makasama muli ang kanyang anak, dahil napag-alaman na si Nanay Jocelyn ay mag-isa lamang daw namumuhay. Nagbigay naman ng tulong na mga groceries at pangunahing pangangailang ang rescue team kay Nanay Jocelyn.
Dahil naman sa tulong ng may-ari ng Micropets Petshop na si Bong Samulde at katuwang ang Purpaws, Nakausap ni Nanay Jocelyn ang kanyang Anak at Pamangkin.
Sinabi naman ni Nanay Jocelyn na ayaw na daw niya bumalik sa Bukidnon ngunit ayon sa anak nito at pamangkin ay mas aalagaan si Nanay mong kung ito ay nasa kanila. Kaya naman tumutulong ang purpaws na makauwi si Nanay sa kanilang lugar.
Samantala, Kahit na mas maganda ang kinalabasan ng pangyayari ay patuloy parin naman humihingi ng tulong ang grupo ng purpaws at si Nanay Jocelyn na makita ang kanyang munting Alaga.
Labis na daw kasi ang pag-aalala ni Nanay at nais niya muli itong makasama para daw mabuo ang kanyang pamilya.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment