Ang “Pantasya ng Bayan” ay isa lamang sa mga bansag na tinatawag sa aktres na si Joyce Jimenez noong 90s at 2000s. Hindi maipagkakaila na isang napakaganda at s3xy na aktres si Joyce dahil na din sa kaniyang charm at appeal na talaga namang hinahangaan noong ng karamihan.
Siya ay gumanap sa ilang mga sexy films at naging cover ng mga men’s magazines dahilan para makuha niya ang bansag sa kaniya na “Pantasya ng Bayan”. Ngunit, sa kabila ng matagumpay na karera noon ni Joyce ay napagdesisyunan niyang lisanin ang mundo ng showbiz noong 2008.
Kalaunan ay napag-alaman na nilisan niya ang showbiz para mamuhay ng simple sa US. Siya ay nagpakasal sa kaniyang Filipino-American boyfriend na si Paul Ely Egbalic noong 2008. Si Paul ay isang soldier ng Air Force sa United States. Silang dalawa ay biniyayaan naman ng tatalong anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.
Ayon sa ulat mula sa GMA News, ang kanilang anak na si Jaysen ay na-diagnosed ng autisim noong 2015.
Ngayon ay masaya ng naninirahan si Joyce sa San Diego, California kasama ang kaniyang pamilya at siya ay nagtatrabaho din bilang office supervisor sa nasabing bansa.
Sinabi niya din na wala siyang pinagsisihan nang iwan niya ang kaniyang career sa Pilipinas para bumuo ng sariling pamilya.
Si Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic, o mas kilala sa kaniyang screen name na Joyce Jimenez, ay isang American actress na nakilala sa showbiz industry sa Pilipinas noong 90s. Siya ay tinawag din bilang “Pantasya ng Bayan”.
Gumanap na din si Joyce sa ilang mga box office films kagaya ng “Warat” (1999), “Ano Ba Ang Meron ka” (2001), “Narinig Mo Na Ba Ang L8est?” (2001), at “Pinay Pie” (2003).
Lingid sa kaalaman ng marami, si Joyce ay sumali din sa Miss Taguig-Hollywood pageant noong 1996 kung saan siya ay nagwagi ng special award para sa Miss Photogenice ngunit nabigong maiuwi ang korona.
The post Joyce Jimenez Na Pantasya Ng Bayan Noon, Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Matapos Lisanin Ang Showbiz appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment