Source of True Trending Pinoy News

Sunday, December 5, 2021

Kilalang Impersonator Na Pum4naw Na, Labis Na Ikinagulat Ng Mga Netizens

Isang malungkot na balita ang pumasok kamakailan lamang tungkol sa p4gp4naw ng kilalang impersonator ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee.

Ito ang ibinahagi ng pamangkin ni Ate Shawee, o Marvin Martinez sa tunay na buhay sa mga kaibigan at dating katrabaho ng komedyante.

Sa isang panayam kay Rafaela de Jesus, sinabi niya na liver cirrhosis ang sanhi ng pagk4matay ng kaniyang Tita Shawee sa edad na 45.

Aniya,

“May liver cirrhosis siya. Nag-start lang po sa fatty liver noong December 2020, tapos nag-take siya ng medication pero biglang lumubo ang tiyan niya.

 

“Nang magpa-check up siya last month, liver cirrhosis na pala, malala na. Na-confine po siya sa Chinese General Hospital pero lumabas na siya last week. Pabalik-balik siya sa ospital para i-drain ang tiyan niya.”

Saad pa ni Rafaela, hindi madali ang pinagdaanan ng kaniyang Tita Shawee sa pagpabalik-balik nito sa ospital.

Ayon din sa kaniya, napagdesisyunan ng kanilang pamilya na humingi na ng tulong sa publiko para sa operasyon ng komedyante ngunit ito ay tuluyan ng binaw1an ng buhay dahil sa nararamdaman.

 

Ang mga labi ni Ate Shawee ay nakaburol sa isang barangay hall sa Tondo. Ang kaniyang pamilya naman ay patuloy pa din na humihingi ng tulong pinansyal sa social media upang mabayaran nila ang mga nalalabing utang pa sa ospital. Bukod pa diyan, nais din ng kanilang pamilya na sana ay mabigyan ng maayos na burol ang kaniyang Tita Shawee hanggang sa huli.

Saad ni Rafaela,

“Pinag-iisipan pa po namin kung sa barangay hall o sa Dulce Funeral Homes siya ibuburol kasi po wala na po talaga kaming pambayad na pera.

 

“Sana po, makalikom kami ng pera pambayad sa Dulce. Sana, may mga tumulong po para mabigyan siya ng maayos na bur0l hanggang sa huli.”

The post Kilalang Impersonator Na Pum4naw Na, Labis Na Ikinagulat Ng Mga Netizens appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment