Naranasan mo na bang makakita ng isang square waves kung tawagin sa dagat, o kaya naman ay nakakita ka na ng mga hugis parisukat na alon na kung minsan nga ay nakikita nati na may nagpopost ng mga larawan na ganito sa social media. Paniguradong mamangha ka dito kapag ito ay nakita mo marahil nanais mong makakita ng square waves sa personal.
Ngunit ito ay may kaakibat na kapahamakan, Delikado ang sinasabing square waves na ito. Ang square waves ay ang mga alon na hugis parisukat na kung tawagin rin ay ‘cross seas’ ang naturang square waves ay nagiging resulta ng mga interseksyon ng mga karagatan kung saan nagsasalpukan ang mga alon na nagsasanhi ng pagkakaroon ng matataas at malalakas na agos na umaabot sa baybayin ng dagat.
Isa rin sa maaaring pagmulan ng square waves ay ang namumuong bagyo malapit sa naturang karagatan. Ang alon na parisukat ay delikado lalo na kung ikaw ay malapit sa baybayin, Kaya naman kapag nakakita ka na nito ay agad ka ng lumikas at lumayo rito.
Marahil nagtataka ang karamihan kung bakit nga ba talaga delikado ang square waves at ano ang dulot nito? Ang dahilan ay narito, ayon sa mga eksperto ang square waves ay nagtataglay ng matatas na current o ang agos ng tubig mula sa dagat ito rin ang nagdudulot ng mga aksidente lalo na sa mga bangka, barko lalong lalo na sa mga tao.
Maging mga malalaking barko ay kayang-kaya sirain ng square waves kahit pa ito ay gawa sa mga matitigas at matitibay na bakal. Kaya naman kung ang mga barko at bangka ay napipinsala nito ano pa kaya ang sa tao.
Ayon din sa pag-aaral, kapag ikaw ay natangay ng square waves ay tiyak na mahihirapan ka ng makahaon o makalayo rito dahil tatangayin ka nito papunta sa mas malalim na parti ng karagatan.
Kaya laging paalala na kung ikaw ay malapit sa baybayin at may nakitang square waves tiyak na nasa delikado kang lugar maari kang mapahamak o magdulot ng pagkalunod dahil sa malalakas na alon nito na tatangay sayo.
Bukod diyan ang mga square waves ay nakakabuo rin ng reeftides , ang mga reeftides ay mayroon din malalakas at malalaking alon at nagdudulot ng pagkahirap lumangoy palayo rito.
Kaya naman lagi mag ingat kung ikaw ay palaging nasa karagatan maging ikaw ay nasa baybayin, huwag narin tangkain languyin ang square waves dahil buhay mo na ang nakataya rito kahit pa ikaw ay isang eksperto sa paglangoy.
Samantala, sa Estados Unidos mahigit isang libo katao ang nasasagip ng coast guard na tinatangay ng square waves ngunit halos isang daan rin katao ang hindi nakaliligtas at binabawian ng buhay dahil dito.
Marami narin nabalita na mga barko, bangka at lalo na ang mga mangingisda na nape-perwisyo ng mga square waves na ito. Kaya nawa`y paka-tatandaan ang mga paalala at babalang ito tungkol sa mga square waves.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment