Ang pagiging magulang ay may magkahalong saya at hirap, mahirap dahil kailangan mong kumayod sa trabaho para sa iyong mga anak dahil sila ay iyong responsibilidad at masaya naman dahil napapawi ng mga ito ang iyong pagod at lalong nagpapalakas sayo sa bawat araw na dumaraan.
Subalit kung mahirap ang maging magulang paano na kaya kung nag-iisa ka lamang o paano para sa mga solo parent kung saan solo ang responsibilidad.
Mabuti na lang at kahit paano ay nabigyan ng pansin ng ating gobyerno ang mga solo parents o single parents sa pamamagitan ng ilang mga benepisyo.
Ang kailangan lang para magkaroon ng mga benepisyo na ito ay kumuha ng solo parent ID.
At dito natin malalaman kung paano nga ba kumuha ng solo parent ID at kung ano-ano ang mga benepisyo nito para sa mga single parents.
Ano nga ba ang Solo Parent ID?
Sa ilalim ng R.A 8972 o Solo Parents Welfare Act of 2000, ang isang solo parent ay pwedeng makakuha ng iba’t-ibang benipisyo at para makapag-avail ng mga benefits na ito kailangan ay magkaroon ng Solo Parent ID.
Narito ang mga pwedeng kumuha ng Solo Parent ID kung ikaw ay alin man sa mga sumusunod:
– Biyuda o Biyudo
– Hiwalay sa asawa
– Napawalang bisa o annulled ang kasal
– Inabandona ng asawa o kinakasama
– Sinumang indibidwal na tumatayo bilang magulang ng bata
– Sinumang miyembro ng pamilya na tumatayo bilang head of the family bunga ng pag-aabanduna, pagkawala o matagal ng pagkawala ng magulang o ng solo parent.
– BIktima ng panggagahasa
– Asawa ng nakakulong at/o hinatulang mabilanggo
– May mental o pisikal na kapansanan ang asawa/partner
– Hindi kasal na piniling palakihin ang anak nang mag-isa
Narito naman ang mga Benepisyong makukuha ng may Solo Parent ID:
1. Pitong (7) araw na dagdag na bakasyon mula sa trabaho.
2. Komprehensibong tulong pangkabuhayan para sa may antas ng kabuhayan na below poverty threshold ayon sa itinakda ng NEDA.
3. Tulong na psychological.
4. Tulong sa pamilya na nangangailangan ng proteksyon.
5. Tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DepEd, CHED at TESDA sa pagpapaaral sa mga anak nila.
Narito naman ang mga Requirement Kung paano kumuha ng Solo Parent ID
– Barangay Clearance
– Birth Certificate ng menor de edad na anak
– Income Tax Return (ITR) o anumang dokumento na pwdeng gamiting patunay sa antas ng kinikita ng isang solo parent o certification mula sa treasurer ng barangay o munisipyo.
– Kasulatan o certificate mula sa Kapitan ng Barangay na nagsasaad ng kalagayan ng pagiging isang solo parent.
– Voters ID (ayon sa local ordinance ng ibang local LGUs)
Dapat rin ihanda ang iba pang angkop na dokumento tulad ng :
– Deklarasyon ng pagkawalang bisa ng kasal
– Katibayan o medical certificate na may mental o pisikal na kapansanan ang asawa
– Certificate of No Marriage (CENOMAR)
At kapag mayroon ka ng mga requirements ng mga nabanggit ay maaaring ka nang magtungo sa Local Social Welfare Development Office ng inyong munisipyo para makakkuha ng Solo Parent ID.
Source: PhilPad
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment