Si Andrea Torres ay isa lamang sa mga artista na hinahangaan at iniidolo ng marami hindi lamang dahil sa kaniyang talento at pisikal na kagandahan, kundi pati na din sa kabutihan ng kaniyang puso, lalo na sa kaniyang pamilya.
Lingid sa kaalaman ng lahat, si Andrea ay pangalawa sa bunso sa kanilang limang magkakapatid. Ayon kay Andrea, hiniling niya noon sa kaniyang mga magulang na magkaroon pa ng bunsong kapatid dahil nais niya na mayroong tumatawag sa kaniya na “ate”.
Natupad naman ang hiling na ito ni Andrea at dumating sa buhay nila ang kaniyang bunsong kapatid na si Kenneth. Masasabi na si Andrea at Kenneth talaga ang pinakamalapit sa isa’t isa dahil na din siguro sila ang magkasunod sa kanilang magkakapatid.
Si Kenneth ay mayroong special needs kaya naman ito ay kinakailangan na paglaanan ng oras, bantayan, at alagaan ng mabuti. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging espesyal ni Kenneth, hindi naman nawala ang pasensya ni Andrea sa kaniyang kapatid sa pag-aalaga at pagmamahal dito. Sa katunayan nga niyan, ito ang motibasyon nilang lahat para magtulungan.
Saad ni Andrea, mas naging responsable silang magkakapatid at natutunan din nilang i-appreciate ang mga simpleng bagay dahil sa kundisyon ng kanilang kapatid na si Kenneth.
Pagbabahagi niya,
“Nung bata pa lamang kami, ang dami namin questions, parang bakit hindi siya nakakasalita, bakit hindi siya nakakaupo, bat ang lambot lambot. So na-inform na agad kami ng mga kailangan niya, kung paano siya alagaan.
“Siguro yung pinaka-impact is naging responsible kami kaagad tapos yung little things ma-appreciate mo kasi nakikita mo yung brother mo hindi niya yun nae-experience. Kuwari hindi siya nakakasalita, hindi siya nakakapag-laro ng normal talaga yung siya lang mismo.
“Hindi siya nakakakain ng solid food, yung mga ganun. So mas naging positive kami, mas naging grateful tapos siyempre mas close yung fam𝔦ly kasi nagtutulungan for him.”
Ibinahagi din ni Andrea ang pinamahirap na kanilang naranasan sa sitwasyon ni Kenneth. Ito ay hindi nito masabi kaagad kung mayroon bang masakit sa kaniya. Halimbawa nito ay noong nagkaroon ng multiple organ failure si Kenneth. Gayunpaman, sa lahat ng kanilang pinagdaanan bilang pamilya, talagang ang taimtim na panalangin lamang ang kanilang kinapitan para sa paggaling ng kaniyang kapatid.
Saad ng Kapuso star,
“Never naman kaming naggive-up sa kanya pero ang pinaka lowest po𝔦nt yung kasi hindi niya nasasabi pag may masakit. So parang e tinatamad siyang lumakad so akala namin the usual na tinatamad lang siya lumakad yun pala nagkaka-multiple organ failure na siya, so yun yung lowest.
“Prayers lang tapos biglang nagtataka yung mga doctor bat nawala yung mga findings. Isa isa, nawala na to, nawala na yun kasi parang tumaas yung water di’ba hindi siya pwedeng humiga kasi malulunod siya, parang ganun.
“Tapos pag nagkakasugat kasi hindi naghe-heal, basta ang dami, dikit dikit tas nawala, okay na siya ng𝔞yon.”
Dahil dito, mas lalo pang hinangaan ng marami si Andrea dahil sa pagmamahal niya para sa kaniyang kapatid.
The post Kilalanin Ang Itinuturing Na “Lucky Charm” Ni Andrea Torres appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment