Source of True Trending Pinoy News

Sunday, December 5, 2021

Aktor Na Si Andrew Schimmer, Nananawagan Ng Tulong Pinansyal Sa Publiko

Humihingi ngayon ng panalangin at pinansyal na tulong ang Kapuso actor na si Andrew Schimmer dahil sa laki ng hospital bills na kailangan nilang bayaran matapos atakihin ng asthm4 ang kaniyang asawa.

Si Andrew Schimmer ay dating teen star ng Kapuso network na madalas gumanap bilang kontrabida sa kaniyang mga teleserye sa GMA-7.

Umaapela ngayon sa social media ang aktor ng pinansyal na tulong para sa gastusin ng kaniyang asawa na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit at ngayon ay nasa ICU.

 

Ayon sa aktor, ang hospital bill nila ngayon ay malapit ng umabot sa P3 million. Saad ni Andrew, ang kaniyang asawa na si Jorhomy “Jho” Rovero ay nagkaroon ng matinding asthma na nauwi sa cardiac arrest at cerebral hypoxia.

Sa kaniyang Facebook post noong November 24, sinabi niya na ang kaniyang asawa ay tatlong linggo ng nasa neurosciences critical care unit sa St. Luke’s Medican Center sa BGC, Taguig. Dahil dito, ang gastusin sa ospital ni Jho ay umabot na sa P3 Million.

 

Kaya naman naisip niya na humingi na ng tulong mula sa kaniyang mga katrabaho at kaibigan sa loob at labas ng showbiz dahil talagang malaking halaga ang kanilang kakailanganin para sa pagpapagamot ng kaniyang asawa.

Ani Andrew,

“Ako po’y kumakatok sa inyong mga puso my wife Jho is still fighting for her life right now in St. Lukes Global ICU because of SEVERE ASTHM4 ATT4CK na nagresulta sa Cardiac Arrest at Brain Hypoxia o pagkawala ng hangin sa brain.”

Dagdag pa niya sa kaniyang Facebook post,

“Nangangailangan po sha ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kayang mga medications sa ICU, kaya naman po mapasa hanggang ngaun ay lumilikom po ng pera ang knyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs and bills na umabot na po ng halos 3 Million.”

The post Aktor Na Si Andrew Schimmer, Nananawagan Ng Tulong Pinansyal Sa Publiko appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment