Bilang isang ina, sila ang unang nasasaktan kapag ang anak ay nagagawang latiin ng ibang tao. Lahat ay gagawin ng isang ina upang maipagtanggol kung sinuman ang mang-api o gumawa ng masama sa kanilang mga anak.
Kaya naman ganito na lamang ang naging galit ng TV host-actress na si Pauleen Luna-Sotto sa isang netizen umano na tumawag sa kanyang anak na si Tali ng salitang ‘pangit’.
Nag-umpisa ito ng kumalat ang post ng basher na si Patrich Walter L. Harris sa Facebook kung saan sinabi nitong “pangit na bata” si Tali. Kahit na tumanggap ng maraming batikos si Harris ay hindi parin ito tumigil sa maaanghang niyang salita laban sa bata.
Ayon pa sa kanya, “Kahit anong sabihin niyo wala akong pake basta pangit ung bata tapos. Kung naapektuhan kayo kasi pangit anak niyo diko na kasalanan yun wag kayong pakialamero jarn okay? Wag din kayo tumawa sa post ko tapos biglang nag cocomment kdhdkskd jeez.”
Kaya naman hindi maaaring hindi nakarating kay Pauleen ang pang-iinsulto ni Harris sa kanyang anak. Kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang kausapin ang naturang basher. Sinabi ni Pauleen na maaari niyang kasuhan si Harris dahil labag sa batas ang kanyang ginagawa.
Ngunit, tila hindi naniniwala si Harris na si Pauleen nga ang kanyang kausap dahil nagagawa pa nitong magbiro at tawaging ‘Mars’ ang aktres. Ipinost rin nito sa Facebook ang naging usapan nila ng aktres. Sabi pa ni Harris, mas okay pa raw ang makulong kesa mag public apology siya.
Samantala ikinagulat ng lahat ng biglang magbago ang ihip ng hangin. Kung saan naisaad niya sa kanyang panibagong post na, “Ako po si Patrich Walter Harris taos pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni M’am Pauline Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters fans ni Pauline at Family Sotto ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat.”
Dagdag pa niya, “Ako ay nagsisisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat! Thank you so much.”
Marahil natauhan siya sa mga sinabi sa kanya ng aktres na hindi niya pinaniwalaan kung kaya’t siya nagbigay na ng kanyang public apology.
The post Pauleen Luna, sasampahan ng kaso ang isang netizen na nang-insulto sa kanyang anak na si Baby Tali! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment