Para sa isang artista, malaking pagbabago sa kanilang career ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Lalo na sa mga female celebrities, maaaring magbago ang takbo ng kanilang career kapag sila ay nagbuntis. Kaya naman na-intriga ang mga netizens matapos kumalat ang bali-balita sa social media na buntis ang isang singer na ito.
Ilang dekada na rin sa industriya ang sikat na singer na ito na mula sa Kapamilya network. Maging ang larangan ng pag-akting at hosting ay tinahak niya na rin, kaya naman mas lalong lumaki ang fan base niya. At kung totoo man na nagdadalang-tao siya ngayon, paniguradong susuportahan siya ng kanyang mga fans.
Ang sikat na singer na ito ay walang iba kundi si Angeline Quinto. Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang rumors na di umano’y buntis si Angeline.
Sa kanyang nagdaang interview, matatandaang ibinahagi ni Angeline na mag-iisang taon na rin sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Nagsimula ang mga tsismis matapos tanungin ni Cristy Fermin ang ex-boyfriend ni Angeline na si Erik Santos tungkol sa di umano’y pagbubuntis nito.
Hindi naman ito deretsahang sinagot ni Erik, at nilinaw ng singer na ayaw niyang sa kanya manggaling ang balitang ito bilang respeto na rin sa kanyang ex-girlfriend.
Ibinalita rin ng Bandera na malapit nang mag-announce si Angeline tungkol dito. Hindi pa malinaw ngayong kung kukumpirmahin nga ba ito ng aktres, o ide-deny niya ang mga pregnancy rumors.
Ayon naman sa mga netizens, kung totoong nagdadalang-tao si Angeline ay wala namang masama dito. Sa kanyang edad na 32 anyos, nasa wastong gulang na rin siya upang bumuo ng kanyang sariling pamilya. At paniguradong magiging mabuting ina si Angeline sa kanyang baby.
The post Sikat na Singer, Tatlong Buwang Buntis na nga ba sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend? appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment