Marahil marami sa ating mga kababayan ang mahilig mag-alaga ng halaman, Lalo na ng tayo ay nagka-pandemya mas marami sa atin ang talagang mas nahilig sa paghahalaman ang iba nga ay binansagan pa ng mga Plantito at Plantita.
Kahit ang mga kilalang personalidad ay naengganyo na maghalaman dahil sa napakaraming benepisyo na dulot nito.
Subalit dapat ay maging maingat dahil kadalasan ay nagiging dahilan ito upang mas lumaki ang kanilang mga gastos.
Samantala, kamakailan ay mayroon isang Plantita na mula pa sa California na nagbahagi ng kanyang nakakatawang karanasan sa pag-aalaga ng halaman.
Siya ay si Caeli Wikes, marami siyang halaman na koleksyon at inaalagaan niya ito ng mabuti.
Masaya raw siya sa tuwing nakikita ang mga halaman niyang ito, Mayroon din siyang paboritong halaman na talagang namumukod tangi para sa kanya.
Ang naturang halaman na ito ay isang succulent halos dalawang taon na daw niya ito dinidiligan at inaalagan, subalit hindi siya makapaniwala ng malaman niya na ang halaman niyang ito ay isa pa lang plastik.
Kahit raw ang inakala nitong lupa ay isa palang styrofoam, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa pangyayaring ito hindi raw niya alam kung siya ay matutuwa o madidismaya ng husto.
Samantala dahil sa kaniyang ibinahaging kwento ay mayroon namang nagmagandang-loob sa kaniya na isang sikat na tindahan ng mga halaman. Binigyan siya nito ng totoong succulent upang mawala na ang kanyang pagkadismaya.
Ang ilan nating kababayan ay nakarelate sa kwento ni Caeli, may mga netizen nga na nagsabi na para pala itong pag-ibig na inalagaan ngunit bandang huli hindi mo rin pala makakatuluyan.
Narito nga ang ilang hugot ng ating mga netizen sa kwento ni Caeli :
“Parang siya akala mo tunay, yun pala Plastik ! Char!”
“Parang yung friendship n’yo ng kaibigan mo. Pinilit mong i-work out at palaguin. You end up knowing na plastic pala siya.”
“Wala ‘yan sa pinagkaiba sa nag-alaga ka at nagmahal ka ng taong akala mo totoo pero pinaprank ka lang pala!”
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment