Marami sa atin ang nae-engganyo bumili ng mga iba’t-ibang gamit sa mga online shopping sites katulad na lang ng Shopee at Lazada na nauuso ngayon.
Dito kasi ay hindi mo na kailangan pang umalis ng bahay at hindi ka na mahihirapan maghanap ng mga gamit na iyong gustong bilihin.
Sa pamamagitan ng mga online shop makakaiwas rin tayo sa kumakalat na sakit ngayon sa buong mundo at kung minsan ay makakatipid pa tayo dahil ang mga presyo sa online shop ay mas mura kumpara sa mga malls.
Samantala, ang pagbili sa mga online shop ay kailangan ng ibayong pag-iingat sa pag-order dahil naglipana ang mga scªmmer o manloloko online.
Katulad na lang ng netizen na si Lou M. Jose na nakaranas ng panloloko, ito ay matapos siyang umorder ng 32 inches na TV ngunit ang kanyang natanggap ay USB cord at isang sulat mula sa seller.
Hindi raw akalain ni Lou na siya ay magiging biktima ng scªm online, sinubukan raw niya itong ireklamo at nag request ng refund sa Lazada subalit wala daw aksyon ang naturang seller.
Dahil sa naging karanasan ni Lou, nagbigay siya ng paalala sa mga netizen na mag-ingat sa mga bogus na seller sa mga online shopping sites.
NARITO ANG BUONG POST NI LOU :
“Lazada Bogus/Modus Seller
Guys beware lng sa mga umoorder online. Nag-order po ako sa Lazada ng Smart TV 32 inches Ship from Overseas Direct from China. Yung payment tru debit Card.
Dahil hindi pwede ang COD tiwala naman ako sa Lazada kaya nag-order ako at binayad ko tru debit Card.
Bukod sa matagal Ang delivery, pagkadeliver ng item sa bahay. Sobre na maliit lang natanggap ko. Hinahanap ko sa nagdeliver ung TV wala daw.
Pagkabukas ko sa Sobre isang USB cord lang ang laman at may kasamang letter ng seller. Sana sa una pa lang kung out of stock ung item kinancel na lang ung order ko at binalik ung pera ko. pero hindi diniliver sa akin papel at USB cord. Halatang Modus ito ng Seller.
Tapos Ngayon hindi ko na masearch ung store niya Sa Lazada, Papalit palit ng account, Dapat si Lazada nirereview niya mabuti ung mga seller niya para di na mangyari ung ganito.
Nagrequest ako ng refund sa Lazada dahil hindi naman dineliver ang order ko. Pero ang Lazada walang aksyon na ginagawa. Sana i-review ng Lazada ang mga seller niya dahil nakakasira sa company niyo ito. Malaking abala at sobrang stress ako sa pangyayari ito.
Hindi ako titigil hangga’t di ko narerefund ung pinaghirapan kong ipunin. Please Lazada pakiimbestigahan po itong mabuti.
Guyz upload ko po ung pic ng Bogus seller sa Lazada kaya please po ingat po tayo. ayoko maranasan niyo naranasan ko. MapaCOD man yan ingat po tayo. Sobrang Hirap at Sobrang tagal po ng refund sa Lazada. Wala man lang silang ginagawang aksyon.”
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment