Viral sa social media ang isang isla sa Bohol kung saan matiyagang pinuntahan ng isang grupo ng mga animal lovers na Bohol Cat Clowders upang ma-rescue ang mga sinasabing pusang gala at wala ng mga may-ari at dito daw dinadala.
Kaya raw ang naturang isla sa bohol ay binansagan ng lokal na pamahalaan doon na Cat Island.
Sa Facebook post ng netizen na si Lei Xse, dito niya ibinahagi ang pagtulong ng kanilang grupo sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga pusang nakatira dito.
Ayon mismo kay Lei, ang mga hayop na naroon sa isla ay hindi lang mga pusa maging ang mga ligaw na aso ay mayroon din naninirahan sa islang ito. Sinabi rin niya na walang mga bahay o tao ang nakatira sa isla na ito kaya naman inaasahan na ang mga pusa at aso ay walang makukuhanan ng pagkain.
Pahayag naman ng grupo, nangangamba sila para sa mga hayop dito dahil bukod sa walang pagkain ay tanging mga damo lamang ang meron sa isla na ito. Kaya naman tiyak na kawawa at magugutom lamang ang mga ito.
Awang-awa ang naturang grupo sa mga pusa at aso maaari daw kasing pag umulan ng malakas at bumagyo ay walang masisilungan ang mga ito at tiyak na mas nakakaawa ang sasapitin ng mga ito.
Inikot daw ng grupo ang isla at bumungad sa kanila ang mga aso at pusa na bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagka-takot mayroon pa nga daw na iilang mga pusa na buntis.
Nagadasal muna ang naturang grupo at pagkatapos ay masayang ipinamahagi ang kanilang mga dalang pagkain para sa mga hayop dito, makikita naman sa mga hayop ang kasiyahan at kagalakan.
Hinangaan naman ng mga netizen ang naturang grupo ng Bohol Cat Clowders.
NARITO ANG BUONG FACEBOOK POST :
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment