Lahat ay gagawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak, kahit pa ang maging kapalit nito ay ang kanilang buhay kaya nilang ibigay maging maganda lamang ang buhay ng kanilang mga anak.
Ayon nga sa kasabihan “Walang hindi kayang gawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak” yan palagi ang ating naririnig subalit ang salitang ito ay tunay na makatotohanan.
Katulad nalang ng single father na si Duyen hindi siya nag dalawang isip na ibenta ang sariling bahay masigurado lamang ang magandang kinabukasan ng kanyang dalawang anak.
Si Duyen ay wala ng asawa matapos itong pumªnaw kung kaya naman lahat ay ginagawa niya para sa kanyang dalawang anak na babae. Binenta niya ang kanyang buhay upang makapag-aral sa ibang bansa ang mga ito.
Ayon sa kanya mas magiging maganda raw ang oportunidad para sa kanyang mga anak sa ibang bansa kumpara sa Vietnam sila magtatapos ng pag-aaral.
Ang 74 taong gulang na si Duyen ay tumira na lamang sa isang maliit na tirahan habang ang kanyang mga anak ay nag-aaral sa ibang bansa.
Subalit ang nakakalungkot sampung taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya dinadalaw ng mga ito. Tumatawag at kinakamusta naman daw siya ng mga ito paminsan-minsan kung kaya nagpapasalamat pa rin siya.
Tanging pagtitinda lang daw ng kape ang trabaho ni Duyen at sa awa naman daw ng Diyos ay nakakaraos siya. Sa ngayon ang kanyang mga anak ay isa nang doktor at propesor sa ibang bansa.
At dahil sa kagustuhan na makita ni Duyen ang kanyang mga anak, nagdesisyon siyang magtungo sa Amerika. Naglagay ito ng banner sa kanyang bisikleta kung saan nakalagay dito na 48 araw siyang magbabakasyon.
Para kay Duyen, wala na siyang ibang kayamanan sa ngayon kundi ang kanyang mga anak kung kaya naman hindi na niya nais pa ang magtanim ng tampo o galit sa mga ito. Magdadala rin daw siya ng 3 kilo ng kape bilang regalo sa kanila sa kanyang pagbisita
Ang kwento na ito ni Duyen ay umantig sa puso ng mga netizen, hiling naman ng mga netizen na sana’y magkitang muli ang mag-aama at wag na sana nilang pabayaan ang kanilang ama na manirahan pang mag-isa.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment