Source of True Trending Pinoy News

Tuesday, April 12, 2022

Isang babae na tadtad ng tattoo, pinalabas ng restaurant na isa palang D0ctor at kagalang-galang na tao


Marahil marami ang mga taong madalas manghusga ng kapwa dahil sa panlabas nitong anyo, kahit saan lugar hindi mawawala ang mga taong mapanlait , mapanghusga dahil ang iba ay bumabase sa panlabas na anyo at hitsura.

Dumagdag pa ang social media na naging plataporma ng marami kung saan ang iba ay nagkakaroon ng kalayaan na husgahan ang hitsura ng iba.

Kung minsan nga ay mga kilalang artista at personalidad sa bansa ay inuulan rin ng panghuhusga kapag ang hitsura nito ay wala sa ayos. Marahil sa pagtagal ng panahon ay nagiging moderno ang pamamaraan ng tuksuhan o b0dy shaming.

Samantala, kahit ang isang doktor sa Australia na si Dr. Sarah Gray ay hindi nakaligtas sa panghuhusga ng iba, Ayon sa kanya siya ay nakaranas ng diskriminasyon dahil mayroon siyang tattoo sa buong katawan. Si Dr. Sarah Gray ay hinirang na “World’s most tattooed doctor” dahil sa kanyang anyo.

Hindi naging hadlang kay Dr. Sarah ang kanyang histrua at pagkakaroon ng tattoo sa kanyang propesyon. Siya ay patuloy at maayos na nagtatrabaho sa hospital pati na rin sa mga surgeries na ginagawa nito.

Ngunit, kahit na tanggap ang kanyang hitsura sa kanyang trabaho ay sadyang mayroon parin ibang lugar na hindi na sanay at may ibang pananaw sa pagkakaroon ng maraming tattoo.

Kwento ni Dr. Sarah Gray, kakain sana sila ng kanyang partner sa Gold Coast at habang sila ay nakaupo na nilapitan sila ng manager ng naturang restaurant. Sila raw ay pinapaalis umano sa establisyemento dahil may policy umano ang restaurant na “no visible tattoo policy”.

Ayon kay Dr. Sarah Gray, hindi raw ito ang kauna-unahan na siya ay nakaranas ng diskriminasyon kundi pati na rin sa mga tindahan na binisita nito. Kadalasan na hindi siya ina-assist ng mga personal at inuuna pa umano ang ibang customers.

Sadyang nakakalungkot ang ganitong pangyayari at inamin naman ng doktor na nakaka-disappoint ngunit nanatili itong positibo sa kabila ng pagtrato sa kanya ng mga nasabing lugar.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment