Sabi nga ng karamihan pagdating sa pagpasok sa negosyo ay walang kasiguraduhan kaya naman kailangan mo rito makipagsapalaran.
Katulad na lang ng ibahagi nina Rozelle Mae Benedito at Mawi Mendoza Rillorta ang kanilang ideya na magtayo ng coffee shop sa gitna ng palayan, marami ang taong nagduda sa kanilang plano.
Nang sabihin ng mag-asawa na gagawin nilang coffee shop ang kanilang 500 sqm property sa Pangasinan, marami silang natanggap na iba’t-ibang negatibong komento.
“Mga friends po tsaka mga tao po dito, ‘yon po ‘yong sabi nila na, ‘bakit magpapatayo dito’, ‘sino pupunta jan’, ‘sobrang layo’, ‘walang magiging customer ‘yan’,” pahayag ni Rozelle sa Philstar.
Ayon sa pahayag ni Mawi, sila lang ang naniniwala sa kanilang sarili noong mga panahong iyon wala daw ibang tao ang sa kanila ay sumusuporta.
Binuksan nila ang kanilang tindahan na Ag.KAPI.ta noong Hulyo 2021, kahit na tayo’y nasa gitna ng pand3mya na ating kinakaharap. Ang kanilang panimulang kapital ay P1 milyon.
Ibinahagi ng mag-asawa na mahirap ang pagtatayo ng coffee shop dahil sa lokasyon nito.
“Isa pa po na struggle ‘yung sa pag-construct kasi nasa gitna po kami ng bukid. Ang time lang po talaga namin na summer. So pinaka-time lang po namin starting po ng April tsaka May, ‘yun lang po. ‘Yon lang po yung pwede kami magpa construct ma’am, kunwari may babaguhin po kami. Di na po kami pwede magpasok ng materyales, ng gamit,” ayon sa mag-asawa.
A kanilang pagsisikap ay nagbunga ng maganda at napatunayang mali ang mga nagdududa sa kanilang mag-asawa.
Sa kasalukuyan ang kanilang coffee shop ay kumikita na ngayon ng P50,000 a day. Pinalawak din nila ang kanilang mga tauhan sa 15 na manggagawa upang ma-accommodate ang kanilang mga customer.
Maraming mga mahilig sa kape at mga kostumer ang naglalakbay hanggang sa probinsya upang matikman ang kanilang kape at maranasan ang mga kamangha-manghang tanawin.
Narito naman ang Payo sa mga naghahangad na negosyante :
Hinamon ng mag-asawa ang mga gustong makipagsapalaran sa negosyo subalit nagdadalawang-isip parin.
“Paano mo malalaman kung di mo susubukan?” diin ang mag-asawa.
“Habang nagiisip po kayo, pakinggan din po natin ‘yung puso natin kasi mas maganda kung buong puso mo gagawin ‘yong design. Parang si misis, actually di naman niya magagawa kung hindi niya mahal ‘yung ginagawa niya,” pahayag ni Mawi.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment