Source of True Trending Pinoy News

Monday, April 11, 2022

Mapalad na mag-asawa na bumili ng lumang bahay, nagulat sa bodega na puno pala ng pera!


Hindi lubos akalain ng mag-asawa mula Ohio ang kanilang natuklasan sa kanilang nabiling lumang bahay ay ang magpapabago pala sa kanilang pamumuhay matapos nilang madiskubre ang maraming salapi sa bodega ng naturang bahay.

Nagsimula raw ang mag-asawa na ayusin o irenovate ang basement, habang nagtatrabaho sila ay napansin nila ang plywood na nakausli. Napagdesisyunan daw ng mag-asawa na unahin ang parte ng attic na iyon at tinanggal ang plywood.

Agad naman silang nakakita ng graffiti sa dingding na may iba’t ibang simbolo ang nakasulat. nagpatuloy sila sa pagtanggal ng plywood at wall paper at pagkatapos ay sinunod ang kisame.

At nang inaayos nila ang kisame ay napansin nila ang isang kahon na naipit sa pagitan ng mga kahoy. Kanila itong kinuha at napansin nila na tila saktong-sakto ang pagkakaipit ng kahon na ito.

Kanilang nakuha ang kahon na may kulay berde at silver, patuloy naman ang mag-asawa sa paglilinis at pagtatanggal ng lumang kahoy.

Subalit tila hindi mawala sa isipan ng mag-asawa ang naturang kahon medyo mabigat raw kasi ito at mukhang sinadyang itago upang hindi makita ng iba.

Naexcite ang mag-asawa sa naturang kahon subalit kinailangan raw nilang mag-ingat dahil hindi nila alam ang laman nito.

Sa sumunod raw na araw ay nagdesisyon ang mag-asawa na buksan ang kahon at mabuti na rin ang magkasama silang dalawa na buksan ito upang matulungan nila ang isa’t isa kung sakaling may hindi magandang mangyari.

At dahan-dahan ngang binuksan ng mag-asawa ang kahon, dito ay nakita nila ang lumang pera. Laking gulat nila na ang laman pala ng naturang kahon ay puro pera.

Mayroong tatlong bundle umano ang laman nito ang isa ay puro twenties, ang isa ay puro fifties at ang huling bundle ay hundreds.

Hindi naman agad makapaniwala ang mag-asawa sa kanilang nadiskubreng salabi. Binilang muna nila ito at nagsimulang magtaka kung kanino ito at bakit ito itinago sa kisame.

Nagimbestiga ang mag-asawa at sa pinaka ilalim ng suicase ay may nakita silang dyaryo. Ang dyaryo na kanilang nakita ay nagmula pa sa 1951 at dito nila nakita na gawa sa Cleaveland ang dyaryo. Ito ang magiging susi sa kwento ng pera.

Agad nila itong dinala sa FBI , ang pera na umabot ng $23,000 hindi pa kasama ang mga nakita nilang relo sa kahon. Sang-ayon naman ang FBI na may halaga daw ang pera at gamit na nakita ng naturang mag-asawa.

Nagdesiyon ang mag-asawa na maghire ng abogado upang ma-appraise ang mga kagamitan.

Nagcelebrate naman ang mag-asawa sak nailang nakitang kayaman at bumalik rin sa plano nilang pagrerenovate, Muli ay nakakita sila ng isa pang maleta na mas mabigat kaysa sa una. katulad ng dati ay iniisip nila na pera ang laman nito.

Nangbuksan ng mag-asawa ang maleta ay puro pera nga ang laman. Matapos nilang magdiwang ay plano ng mag-asawa na gamitin ang pera pambayad sa bahay at gastusin ng renovation.

Kabuuan ay umaabot ng $45,000 ang nakita nilang pera. Kalaunan nga ay nagdesiyon ang mag-asawa na irenovate ang buong bahay doon ay may nakita silang lihim na pinto kung saan ay may nakakabagabag na kwarto. Lingid sa kaalaman nila ay hihingi na pala sila ng tulong sa FBI.

Natuklasan ng mag-asawa na mayroon umanong kwarto sa bahay na may heater ayon sa kanilang realtor. Subalit nang buksan nila ang pintong ito ay niloko pala sila nito walang heater ang nakalagay sa kwarto kundi blanko ito at masyadong madilim.

Agad na humingi ng tulong ang mag-asawa sa FBI. napansin nilang naka-soundproof ang kwarto at nagdududa na sila kung ano ang laman ng kwarto. Maaaring dito nagaganap ang iba’t-ibang krim3n nang silipin nila ang ibang parte ng kwarto ay may nakita nanaman silang maleta.

Kanila itong binuksan kahit na nagdududa , hindi limpak-limpak na pera ang laman nito tulad ng nakaraang maleta kundi mga relo, jewelry box, singsing, envelopes at iilang cash na mula sa iba’t-ibang bansa.

Habang naghihintay ang mag-asawa na dumating ang mga pulis may nakita silang safety box, pakiramdam ng mag-asawa ay may kahindak-hindak na nangyayari sa kwartong iyon. Sa kanilang pagbukas nito may sulat na naglalaman na “save yourself”.

May laman rin na VHS tapes ang sentry box at nakasulat sa isa mga ito ay “Do Not”. May anim na tapes ang laman ng box at lima rito ay mga labe. Kanila itong ibinigay sa FBI upang maimbestigahan ng mabuti walang ibang nakapanoon sa mga ito kundi FBI.

Subalit sa kabila ng mga nadiskubre ng mag-asawa ay masaya na rin sila dahil may kakaibang kwento at yaman ang kanilang bagong bahay.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment