Source of True Trending Pinoy News

Sunday, April 3, 2022

Dalaga na nag-cebrate ng 18th Birthday, nakatanggap ng regalo na P118k blue bills


Ang kaarawan ay ang pinaka-importanteng araw sa ating buhay dahil ito ang araw ng ating pagkabuhay dito sa mundong ibabaw kaya naman dapat ay maging masaya at memorable ang bawat pagsapit ng iyong kaarawan.

Halimbawa na ay sa mga babae, bahagi na sa kanila na pagtuntong ng edad na 18-taong gulang at sa mismong araw ng kanilang kaarawan ay iginugunita nila ang tinatawag na ‘debut’ kung saan madalas ay mayroong mga 18 roses, 18 gifts, 18 treasure at 18 blue bills.

Katulad ng isang dalagang nagdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan o ‘debut’, ang kanyang kaarawan na ito ay talagang naging memorable para sa kanya.

Dahil ang maswerteng debutant na si Alexis Tapaoan na mula sa Cagayan Province ay nakatanggap ng tumataginting na 188 blue bills o kabuuan na PHP118,000 noong August 9, 2021 sa kanyang kaarawan.

Ayon sa dalaga, hindi daw siya humingi sa kanyang mga magulang ng engrandeng handaan dahil alam niya na mahirap ang buhay ngayon lalo na at mayroong pandemya.

Ngunit nagulat raw siya ng bigyan siya ng kanyang ama ng isang bouquet na may maraming blue bills sa kanyang espesyal na kaarawan.

Kwento ni Alexis, “In my entire 18 years of my life, hanggang P3,500 lang nahahawakan ko and that includes my boarding rent transportation and allowance”.

Dahil raw ang kanyang ina ay isang OFW, binigyan siya nito ng advice kung paano niya panghahawakan mabuti ang perang kanyang natanggap sa 18th birthday nito.

“Tipid-tipid lang anak, Please always think before spending money. Your needs and wants, Focus ka lang sa needs if hindi kaya ng busget” -pahayag ng ina ni Alexis.

Kaya naman napagdesisyunan ni Alexis na i-save na lamang ang kanyang pera para sa future.

Ang ganitong pangyayare na makatanggap ng ganitong malaking pera sa kanyang kaarawan ay bibihira na kaya naman talagang maswerte ka kung isa ka sa mga ito.

Subalit kailangan parin ang ibayong pag-iingat at tamang paggamit ng pera.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment