Source of True Trending Pinoy News

Saturday, April 2, 2022

Isang lolo na may sªkit na pinalayas sa sariling bahay ng kanyang mga Anak, nakitang umiiyak sa gilid ng kalsada


Ilan sa mga kilalang katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging masayahin, hospitable sa mga dayuhan at siyempre ang pinaka-mahalaga ay ang pagiging Family Oriented, kahit nga hanggang sa ka apo-apohan pa sa tuhod ay nananatili parin sila sa iisang bubong at namumuhay ng masaya at marami.

Subalit habang tumatagal at lumilipas ang panahon habang umuunlad at umusbong ang teknolohiya at siyensya ay kasabay nito na nawawala ang magagandang kaugalian ng ibang Pinoy.

Araw-araw natin naririnig sa mga balita ang tungkol sa mga inabandonang matandang magulang na pinababayaan na lang ng sarili nitong kapamilya at kung saan-saan nalamang naninirahan.

katulad ng isang post na ito ng concerned citizen na si Araman Lat, nakita daw niya ang isang matanda na nasa kalsada ng Balibago Sta. Rosa. Ayon sa kanya si Tatay ay may iniindang sakit at nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Tatay, siya daw ay taga Batangas ngunit napadpad siya sa Laguna matapos siyang palayasin ng kanyang mga anak.

Makikita rin sa mga larawan na si Tatay ay umiiyak dahil sa kanyang kalagayan, hindi raw niya alam kung saan siya pupunta lalo na ngayon na may iniinda siyang sªkit.

Narito sa baba ang kabuuang post ni Arman Lat sa kanya mismong Facebook Account,

“Baka po may nakaka kilala kay Tatay. Siya po ay taga Batangas. Siya daw po ay pinalayas ng kanyang anak. Siya po ay may sªkit ngayong andito po siya sa Balibago Sta Rosa Laguna. Pa-share nalang po”

Hiling naman ng mga Netizen na sana’y matulungan si Tatay na mapagamot at magkaroon ng maayos na matutuluyan.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment