Source of True Trending Pinoy News

Friday, April 8, 2022

Kusinero sa barko, nakapagpatayo ng sariling gasolinahan dahil sa pagsisikap sa trabaho sa barko at diskarte


Usap-usapan ngayon sa social media ng nakaka-inspire na kwento ng tagumpay sa buhay ng binatang si John Ebreo.

Si John Ebreo ay tubong Sariaya, Quezon siya ngayon ay 26 taong gulang, nagtatrabaho siya sa barko bilang isang kusinero at dahil sa kanyang pagiging masipag at madiskarte nakapagpatayo siya ng gasolinahan sa loob lamang ng anim na buwan.

Masaya si John dahil suportado siya ng kanyang mga magulang at tanging pangarap daw ni John ay ang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Bilang pagpapakita ng pagsuporta ng Ama ni John ibinenta nito ang sasakyan upang ipandagdag sa pagsisimula ng negosyo ng kanyang anak.

Nangako raw naman si John na reregaluhan niya ang kanyang ama ng bagong sasakyan sa ika-60 nitong kaarawan bilang kapalit ng ginawa nitong pagsasakripisyo.

Subalit hindi pa man dumarating ang 2022 ay nakabili na rin agad niya ng bagong sasakyan ang kanyang ama bilang regalo dito.

Para kay John, ang kanyang mga magulang ang nagturo sa kanya na maging madiskarte sa buhay.

Alam niya raw na ang kanyang pagsampa o pagtatrabaho sa barko ay hindi panghabang-buhay kaya naman pinaghahandaan niya ng kinabukasan ng kanyang pamilya.

Kaya raw habang siya ay kumikita pa at bata pa natutunan na niya na umiwas sa bisy0 upang mas lalong makaipon.

Dahil sa diskarte na ito ni John ay maraming netizen ang humanga sa kanyang kwento, natuwa rin ang mga netizen dahil sa pagiging mabait at mapagbigay nito sa kanyang pamilya.

Ang kwento ng buhay na ito ni John at ang kanyang pagiging madiskarte sa buhay ay dapat tularan ng marami sa atin. Walang imposible kung tayo ay nangangarap at nagsusumikap.


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment