Maraming magsasaka sa Pilipinas ang salat sa buhay at lugmok sa kahirapan. Malaki ang respeto sa kanila ng karamihan ngunit hindi nasusuklian ng maayos ang kanilang paglilingkod sa bayan.
Samantala, mayroon pa din silang pamilya o kaibigan na handa silang tulungan sa oras ng kahirapan. Kagaya na lamang ng magsasaka na ito na sinorpresa sa kaniyang kaarawan ng kaniyang mga kamag- anak sa abroad.
Nakilala ang magsasaka bilang si Larry Longboy na taga Dingras, Ilocos Norte. Laking gulat niya nang may dumating na isang sasakyan na inihanda ng kaniyang kapamilya sa tulong ng BBS Sweets na kilala sa paggawa ng ganitong sorpresa sa mga selebrasyon kagaya ng kaarawan.
Hindi lamang basta disenyo ang gumulat kay Mang Larry kundi ang isang higanteng bouquet na hindi bulaklak ang lamang kundi P200,000!
Ayon kay Mang Larry, malaking tulong ang pera na ito upang makabili siya ng bagong traktora upang mapadali ang kaniyang pagtatrabaho. Labis labis ang kaniyang pasasalamat at kaligayahan sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.
Hindi naman din napigilan ng BBS Sweets na ibahagi ito sa kanilang Facebook Page na talaga namang napa ”Sana all” na lang ang netizens
“Isang magsasaka sa Dingras Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw ganun narin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad na bigyan siya ng regalo at eto ang bumili ng sasakyang pang bukid (tractor). Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay tatay Larry.”
“Ang kabutihan ng isang tao ay may magandang epekto sa iba. Makikita sa gawa ang magandang katangiang ito. Hindi matutumbasan nga talaga ng anumang HALAGA ang SAKRIPISYONG iyong ibinuhos para sa iyong pamilya, kaibigan o sa ibang tao. Darating ang araw na BLESSING din ang igagawad sa kabutihang iyong pinamalas tatay Larry!”
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment