Marahil marami sa atin ang nakakilala kay Apo Whang Od, ang tinaguriang pinakamatandang tattoo artist o “mambabat0k” dito sa atin sa Pilipinas.
Si Whang Od Oggay, o mas kilala natin sa tawag na Apo Whang Od ay may edad na 103 na ngayon at nakatira sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga Province.
Ayon sa mga malapit kay Apo Whang Od kahit daw ito ay 103 taong gulang na ay aktibo parin ito sa kanilang lugar at tumutulong parin ito sa pagpapanatili ng sinaunang tradisyon sa kanilang probinsya.
Marami mga tao ang dumarayo sa kabundukan ng Buscalan para lang makita at makapag pa tattoo sa binansagang pinakamatandang “mambabat0k” na si Apo Whang Od. Kahit pa man 15-oras ang biyahe mula Maynila ay tinitiis ng mga turista at dagdag pa diyan ang hirap sa pag-akyat ng bundok para marating ang lugar ng Buscalan kung saan nakatira si Apo Whang Od.
Masasabing napakalaki ng sakripisyo ang mapuntahan ang mambabatok na si Apo Whang Od. Kaya naman bilang ganti ni Apo gamit ang abo at tinik ng pomelo , nagtat-tattoo si APo Whang Od ng tatlong tuldok sa balat ng kaniyang mga customer.
Ayon sa kwento ni Apo, Kinse anyos na siya ay magsimulang mag-aral ng pagta-tattoo sa tulong ng kanyang amo. Naging mahusay si Apo sa tradisyon na ito kahit pa ito ay para lamang sa mga lalaki sa kanilang tribo.
Samantala, lalong pinag-usapan si Apo Whang Od dahil sa nagviral niyang mga larawan na in-upload ng photographer na si John Kevin Ortiz, Makikita sa mga larawan ang itsura ni Apo Whang Od noong kabataan niya.
Maraming mga netizen ang humanga sa kagandang ni Apo Whang Od noong kabataan nito, Hinangaan din ng mga netizen na kahit 103 years old na siya ngayon ay parang walang pinagbago ang lakas ng kalusugan nito.
Ngunit sa kabila ng magandang mukha ay hindi nagkaroon ng asawa at anak si Apo Whang Od dahil na rin daw sa kanyang sinumpaan at pangako sa yuma0 niyang kasintahan noong kabataan niya.
Kwento naman ni Apo Whang Od, Isa daw sa mga dahilan kaya napapanatili niyang maayos ang kanyang kalusugan ay ang hindi pagkain ng mga preservatives , mga delata at mamantikang pagkain.
Sa ngayon ay tinuturuan ni Apo Whang Od ang kanyang dalawang pamangkin na babae upang mapanatiling buhay ang tradisyonual na mambabatok dito sa atin sa Pilipinas.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment