Marami sa atin ang nagtutungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho, dahil hindi naman lingid sa atin na hindi sasapat ang kinikita ng mga pang karaniwang empleyado dito sa ating bansa dahil narin sa mababa ang sahod kaya naman kung ikaw ay may binubuhay na pamilya ay hindi ito sasapat.
Kaya naman napipilitan ang iba na magtungo sa ibang bansa upang doon makipag sapalaran, tinitiis nila ang pangungulila at pagod para sa pamilya para sa ikabubuti ng pamumuhay nito at kinabukasan ng mga anak.
Samantala, kung ganito ang mangyayari at kalalabasan ng lahat ng paghihirap ng mga OFW ay tiyak na mapapawi ang lahat ng kapaguran nila at pagsasakripisyo.
Katulad ng kwento ng isang OFW mula Kuwait na si Rodelyn Fortes, napawi ang lahat ng kanyang pagod at pagsasakripisyo ng malaman niyang walang sinayang ang kanyang buong pamilya sa lahat ng mga perang kanyang pinagpapaguran at ipinapadala sa Pinas.
Ayon sa asawa ni Rodelyn na si Rogelio Fortes ba nka Agoo La Union, wala siyang sinayang sa bawat padala ng asawa ang lahat ng pera niya ay ihinuhulog ng kanyang asawa mula abroad.
Nag-umpisa lamang sila sa barya-barya hanggang sa paunti-unti ay naitatabi nila ang malaking parte ng padalang pera ni misis sa kanila. Umabot sa balde-baldeng mga papel na pera at mga barya ang kanilang naipon na umabot higit P300,000.00
“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, talagang nagpursige akong mag-ipon, lahat ng kada padala ng misis ko. Imbes na bawasan ko, dinagdagan ko pa,” saad ni Rogelio.
“Masaya po ako, dahil nakapag-ipon po ako,” dagdag ng bunsong anak nila Rodelyn.
Hindi raw ito alam ni Rodelyn, hanggang nagulat na lang daw siya ng kanyang pag-uwi ay lubos siyang nasorpresa ng madatnan na nagawa na ang kanilang bahay, at nakabili na rin sila ng sidecar at motorsiklo dahil lamang sa naipong pera ng kanyang mga anak at asawa.
“Hindi ko alam at nung dumating na po ako dito, buo na ang buhay sementado na. Tsaka di ko lubos maisip na ganon yung maiipon nila kasi magkano lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait at sa Malaysia,” saad niya
Tuwang-tuwa at proud ang mag-asawa sa kanilang mga anak dahil bata pa lang ang mga ito ay natutong pahalagahan ang mga bawat ibinibigay sa kanila.
“Magtipid po. Tsaka yung mga hindi naman kailangang bilhin, di po bibilhin,” salaysay ng kanyang panganay na anak.
Samantala, dahil sa kwento na ito ni Rodelyn at Rogelio Fortes ay maraming netizen ang humanga at bumilib sa kanilang pamilya. Hindi naman napigilan ng ibang netizen ang mag komento.
NARITO ANG ILAN SA MGA KOMENTO NG NETIZEN:
“Sana all kuya at ate, swerte kayo sa mga anak niyo dahil marunong sila sa pera. Tama yan bahay muna bago ang Luho saludo ko sa inyo”
“Ganyan dapat ang pamilya ng mga OFW para kahit papaano nasusuklian ang paghihirap ng lahat ng OFW at hindi nasasayang ang kanilang pagod”
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment