Kapag ang pagkakaibigan ang pinag-uusapan madalas natin marinig ang mga kasabihan na “Birds of same feather flock together” na ang ibig sabihin ay madalas nagiging magkaibigan ang mga taong mayroong magkatulad na pag-uugali.
Marahil madaling magkaroon ng kaibigan subalit mahirap makatagpo ng tunay na kaibigan. Bukod diyan bihira lang din talaga tayo magkaroon ng kaibigan na mayroong kabaligtaran ng ating mga interes o katangian dahil baka hindi kayo magkasundo.
Subalit para sa dalawang hayop na ito na usap-usapan sa social media ngayon, isang bibe at isang tuta na tila ba nagkaroon sila ng maasahang kaibigan sa isa’t-isa sa oras ng kagipitan.
Marami ang nakapansin sa mga larawan ng isang bibe at tuta online kung saan makikita ang bibe na tila ba nakayakap ang kanyang mga pakpak sa tuta. Inabandona na raw kasi ng kaniyang mga amo ang kawawang tuta na ito sa lansangan at nang makita nito ang bibe ay agad itong yumakap dito.
Sino nga ba naman ang hindi matutuwa sa pangyayaring ito, sa kabila ng magkaiba ang uri ng gma hayop na ito ay hindi mo aakalain na sila ay magkakasundo. Halimbawa na lang dyan ay ang aso at pusa na bagama’t mayroong apat na mga paa pareho ay madalas naman na nag-aaway.
Subalit ang bibe at asong ito ay makikita mong komportable sa isa’t-isa at magkasundong-magkasundo. Hindi lang dyan nagtatapos ang kanilang pagiging malapit dahil tila hinihimas-himas din ng bibe ang ulo ng tuta sa pamamagitan ng tuka nito.
Marahil ay naramdaman ng mabait na bibe ang kasalukuyang nararamdaman ng tuta ng mga oras na iyon. Para sa marami sa atin, napakasarap sa pakiramdam na makahanap ng isang tunay na kaibigan sa katauhan ng ating kapwa-tao.
Ang mga hayop ay maaari din natin maging kaibigan dahil ang iba nga sa atin ay may mga alaga sa bahay at tinuturing nilang tunay na kapamilya. Katulad na lang ng aso na tinaguriang “Man’s Bestfriend”.
Ang iba sa atin ay may alagang mga pusa, isda, ibon, rabbit, hamster at marami pang iba. Marahil para sa iba ang mga alaga nilang hayop ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan sa tuwing sila ay may problema.
Source: Viva Pilipinas
No comments:
Post a Comment