Source of True Trending Pinoy News

Wednesday, May 25, 2022

Isang Lolo, hindi raw pinapasok sa isang Car Showroom dahil sa hitsura nito kaya bumili sa katabing Dealership ng “IN CASH” na sasakyan


Usap-usapan kamakailan sa social media ang kwento ng isang retiradong guro na hindi raw pinapasok sa isang showroom ng isang car company dahil lamang sa hitsura nito at panlabas na kasuotan.

Ayon sa Facebook post ni Love Dorego, isang Manager ng ibang car company, ibinahagi niya dito na pumunta raw sa kanila ang retiradong guro na nakilalang si “Tatay Manuel” matapos itong hindi papasukin sa showroom ng isang car company sa Davao City.

“Maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask. He walked into our showroom but we didn’t hesitate to let him in and entertained him,” ani Dorego sa kaniyang post.

Sinamahan at ipinasilip ng mga staff nila Dorego ang mga naka-display na sasakyan kay Tatay Manuel at napili nito ang isang mini-SUV hatchback car.

Agad na bumalik kinabukasan si “Tatay Manuel” para magbayad ng full payment sa kanyang napiling sasakyan.

“The following day, we released his unit and since he’s still relearning how to drive, our sales executive drove his unit going to his home. Tatay doesn’t have a family, he said a woman just took advantage of him and took his money away,” ani Dorego.

Samantala, ayon naman kay Dorego ang kwento ni Tatay Manuel ay nagbigay ng aral sa lahat na huwag magmaliit ng sino man base sa panlabas nitong anyo o kasuotan dapat ay tratuhin ng patas ang bawat tao.

Ito ay patunay din na karamihan sa atin ngayon ay mas lamang ang mapanghusga at binabase na lamang nila sa pisikal na anyo. Nawa’y maging isang leksyon din ito sa mga taong mapangmata sa kapwa at huwag din maliitin ang simpleng kasuotan o panlabas na anyo.

Source: ABS-CBN


Source: Viva Pilipinas

No comments:

Post a Comment